Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas ngayong linggo, bilang bahagi ng patuloy nitong pangako na gabayan ang mga manonood na Filipino tungo sa responsableng panonood.

Ang Japanese animated film na “Crayon Shinchan The Movie: Super Hot! The Spicy Kasukabe Dancers” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) para sa edad 12 anyos at pababa kung may kasamang magulang o tagabantay. Tampok sa pelikula ang mga eksenang komedya at mga kilos na mas mainam mapanood ng mga batang kasama ang nakatatanda.

Limang pelikula ang rated R-13 (Restricted–13) para sa mga edad 13 anyos pataas dahil sa tema, wika, karahasan at mga nakatatakot na eksena na hindi angkop sa batang manonood.

Ang American horror na “Send Help” (R-13) ay tungkol sa isang empleyado at kanyang boss na parehong stranded sa isang isla.

Rated R-13 din ang “Mercy,” isang American science fiction action-thriller sa isang modernong Los Angeles na ang korte ay gumagamit ng AI (Artificial Intelligence) bilang hukom sa mararahas na krimen.

Ang zombie horror na “We Bury the Dead” (R-13) ay nakasentro sa desperadong paghahanap ng isang babae sa kanyang nawawalang asawa at sa kanyang paglalakbay habang hinaharap ang zombie.

Ang Thai supernatural horror film na “Death Whisperer 3” (kilala rin bilang “Tee Yod 3”) ay tungkol sa Black Spirit at pagkamuhi sa sangkatauhan.

Kuwento naman ng British drama na “The Thing with Feathers” (R-13) ang pagpapalaki ng nabiyudong ama sa kanyang dalawang batang anak.

Ipinaaalala ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto sa mga magulang at manonood ang pagpapahalaga sa pagsunod sa mga klasipikasyon ng pelikula.

                “Ang mga movie rating ay gabay ng magulang sa tamang pagpili ng pelikulang panonoorin ng kanilang mga anak,” sabi ni Sotto. “Hinihikayat namin na tiyakin lagi ang angkop na palabas base sa edad para sa proteksiyon ng mga kabataan.” (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Miles Obra Disco Forever D4E

OG dancers magsasama-sama sa Disco Forever  Dance Concert

MATABILni John Fontanilla MULING magsasama-sama sa entablado ang ilan sa mga iconic at sikat na dancers …

Sexbomb Aira Bermudez

Sexbomb Eira itinuloy concert kahit nadesgrasya

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizen ang napabilib ni Sexbomb Eira Bermudez, dahil kahit naaksidente sa rAWnd 4concert nila …

Angeline Quinto Chad Kinis

Angeline itinanggi ilong ipinagawa

MA at PAni Rommel Placente NILINAW ni Angeline Quinto na natural ang kanyang ilong at hindi siya …

Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page. May mga nagsasabing …

Dylan Menor

Dylan Menor pressured sa serye ng Viva

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MABENTANG-MABENTA sa mga project si Dylan Menor at nasabi nitong doble ang excitement …