Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, kahapon, Huwebes, January 29, 2026, sa edad na 89.

Kinompirma ito ng isa sa pitong magkakapatid na Barrerro na si Joaquin “JJ” Barretto sa pamamagitan ng isang social media post.

Rest in peace, Mom. I love you,” ani JJ sa kanyang ina kalakip ang larawan ng nakasinding kandila na may black background.

Noong Miyerkoles, January 28, nagbahagi si JJ ng larawan ng ina habang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Saint Luke’s Medical Center sa Taguig.

Kasama ni JJ sa naturang post si Claudine at may caption iyong, “Get well, Mom [praying emojis].”

Wala pang pahayag kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ni Mommy Inday ngunit base sa interview noong September 2024 kay Claudine, sinabi nitong may lupus ang ina.

January 27 nang ibinahagi ni JJ na ililipat ang ina sa ICU dahil hindi bumubuti ang lagay nito.

Mom will be transferred to the ICU later, it’s not good,” ani JJ.

Kahapon, ibinahagi ni Claudine ang video na nag-uusap sila ng kanyang ina. May caption iyong, “Mommy We’re gonna be okay  i promise!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page. May mga nagsasabing …

Dylan Menor

Dylan Menor pressured sa serye ng Viva

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MABENTANG-MABENTA sa mga project si Dylan Menor at nasabi nitong doble ang excitement …

Xian Lim Dylan Menor Jayda Avanzado Marco Gallo

Xian proud kina Jayda, Dylan, at Marco

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BILIB kami sa disiplina ni direk Xian Lim. He was once a …

Mark Herras Crying

Mark dinagsa ng simpatya ng mga kapwa artista

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKALULUNGKOT namang talaga ang nangyari kay Mark Herras na balitang hiniwalayan na nga …

Wagas Valentines

Seryeng ukol sa pag-ibig espesyal ngayong Pebrero

RATED Rni Rommel Gonzales MAS pakikiligin ng GMA Network ang buwan ng pag-ibig sa pamamagitan ng special …