Saturday , July 27 2024
Zara Lopez
Zara Lopez

Zara Lopez, game pa rin sa pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KILALA sa kanyang sexy image ang aktres na si Zara Lopez. Madalas makita sa social media ang former Viva Hot Babe sa kanyang mga nakapag-iinit at nakakikiliting mga larawan.

Kaya nang nakahuntahan namin ang aktres, inusisa namin na sakaling may offer sa kanya na isang quality film pero super daring, tatanggapin ba niya?

Esplika ni Zara, “Definitely I will accept the film, dekalidad na pelikula naman iyon, sino ba naman ako para tumanggi?”

Pahabol na dagdag niya, “This is just work, it’s still a blessing.”

Game man daw siyang magpa-sexy sa pelikula, sinabi ng aktres na hindi niya kayang mag-frontal nudity.

Aniya, “To be honest, mayroon kasi akong daughter to protect… Siguro huwag lang frontal nudity. Kasi, I believe puwede ko naman ma-express iyong sexiness in a different way.”

Ano ang reaction niya na tomodo si Sheree sa pagpapaka-daring sa pelikulang Nerisa?

“I admire Sheree noon pa man, she did a great job! And she knew that I will support her,” matipid na lahad ni Zara.

Kaya rin ba niyang gawin iyon? “I have limitations, sabi ko nga… pero depende pa rin sa kung ano’ng atake ang gustong mangyari ng direktor ko,” deklara ni Zara.

About Nonie Nicasio

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *