Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ken Chan, Sanya Lopez, Regal Studio Presents, That Thin Line Between
Ken Chan, Sanya Lopez, Regal Studio Presents, That Thin Line Between

GMA at Regal sanib-puwersa sa biggest telemovie collab

Rated R
ni Rommel Gonzales

DALAWA sa mga tinitingalang institusyon sa TV at pelikula ang magsasama para sa isang malaki at espesyal na anthology series na aabangan ngayong taon.

Nagsanib ang GMA Network at Regal Entertainment, Inc. para ihandog ang Regal Studio Presents na maghahatid ng mga bago at napapanahong TV specials kada linggo.

Tampok sa unang pasabog ang That Thin Line Between na ang bida ay sina Ken Chan at Sanya Lopez. Ito rin ang magsisilbing unang on-screen tambalan ng dalawa. Gagampanan nila ang magkapitbahay na accountant at online seller na mahilig magbangayan dahil magkaiba ang  mga paniniwala at ugali.

Bukod dito, marami pang offerings ang Regal Studio Presents na pagbibidahan ng mga sikat na Kapuso love teams tulad nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos or GabLil at sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng Team Jolly.

Kaya huwag palalampasin ang mga nakaaantig na istorya na handog ng Regal Studio Presents sa two-part primetime premiere nito sa September 11 at 18, 8:30 p.m., bago lumipat sa regular timeslot nito, 4:35 p.m. kada Linggo simula September 26 sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …