Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhen Escaño, Jao Mapa, Yam Laranas
Rhen Escaño, Jao Mapa, Yam Laranas

Direk Yam matapos manakot, magpapa-inlab naman

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUMABAK muna si Direk Yam Laranas sa paggawa ng romance movie sa pamamagitan ng Paraluman na pinagbibidahan nina Jao Mapa at Rhen Escano. Hindi naman bago ang paggawa ng romance genre kay Direk Yam bagamat 19 years ago pa ang huli niyang naidireheng pelikulang may ganitong tema, ang Ikaw Lamang Hanggang Ngayon nina Regine Velasquez at Richard Gomez.

Mas kilala si Direk Yam sa kanyang mga award-winning thrillers at horror films gaya ng SigawAurora, at Death of a Girlfriend. Pero umiba muna ng direksiyon ang director.

Napili niyang gumanap para sa Paraluman sina Rhen na nag-iwan ng marka sa kanyang mga pagganap sa Adan at Untrue, at ang 90s heartthrob at premyadong aktor na si Jao para sa role nina Mia at Peter. Ito ang unang beses na magkakapareha sa pelikula sina Rhen at Jao kaya naman kaabang-abangang kanilang on screen chemistry.

Ang istorya ng Paraluman ay ukol kina Peter (Jao) na kalive-in ng barangay worker na si Giselle (Gwen Garci). Makikilala nila si Mia (Rhen) ang nakababatang  kapatid ng kanilang kaibigan na galing sa probinsiya. Nahulog ang loob ni Mia kay Peter na ‘di hamak na napakalaki ng tanda sa kanya subalit nakatakda naming ikasal ng lalaki kay Giselle. Kailangang mamili ni Peter kung sino ang mananaig sa kanyang puso. Si Mia ba na halos 20 taon ang tanda niya at kadarating lang sa buhay niya o si Giselle na matagal nang kasama at walang ibang gusto kung hindi makasama siya habambuhay?

Ang theme song ng pelikula, ang Paraluman ay mula kay Adie, isang young artist na umawit ng nakaaantig na Luha.

Maraming bago at exciting na aabangan sa Paraluman kaya manood na sa September 24, streaming online sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …