Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cebu Pacific crew, Covid-19 vaccine
Cebu Pacific crew, Covid-19 vaccine

2nd dose ibinigay sa pamamagitan ng COVID Protect
95% flying crew ng Cebu Pacific bakunado na

INIULAT ng Cebu Pacific, 95 porsiyento ng kanilang mga pilot at mga cabin crew ay pawang bakunado na, at patungo sa pagkompleto ng employees inoculation sa Oktubre ngayong taon.

Noong Huwebes, 26 Agosto, binigyan ng pangalawang dose ng bakuna kontra CoVid-19 ang ilang mga empleyado sa pamamagitan ng COVID Protect, ang kanilang programa na may layuning bakunahan lahat ang kanilang mga tauhan.

Inaasahang ibibigay ang pangalawang dose para sa natitirang mga empleyado sa Setyembre.

Sa kasalukuyan, umabot sa 93 porsiyento ng kabuuang workforce ng Cebu Pacific ang nabakanuhan na.

Bahagi ang COVID Protect ng inisyatiba ng Gokongwei Group para sa lahat ng business unit nito.

Sa pamamagitan nito, makatatanggap ng libreng bakuna hindi lamang ang mga empleyado ng Cebu Pacific, pati na rin ang kanilang mga dependent at mga third-party workers. 

Aktibong nakikipagtulungan ang Cebu Pacific sa iba’t ibang government units upang mapabilis ang progreso ng bakunahan para sa kanilang mga empleyado.

“We are always excited to share updates about our very own vaccination initiative because health and safety are on top of everyone’s minds now. It is our pleasure to keep doing what we can to ensure that our own people are protected, so our passengers will also be able to fly worry-free with us,” pahayag ni Felix Lopez, Vice President for People Department ng Cebu Pacific.  

Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards.

Gayondin, ang Cebu Pacific ang opisyal na airline partner ng Ingat-Angat, isang kampanyang pinangungunahan ng pribadong sektor na nagtataguyod ng mahigpit na pagsunod sa mga health protocols at bakunahan upang makatulong sa pagbangon ng pambansang ekonomiya.

Nakapaghatid na sa Filipinas ang Cebu Pacific ng higit sa 16.5 milyong doses ng bakuna mula sa ibang bansa, bukod sa higit walong milyong doses na inilipad sa 24 probinsiya.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA LORENA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …