Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna Derek Ramsay John Estrada Priscilla Meirelles
Ellen Adarna Derek Ramsay John Estrada Priscilla Meirelles

Priscilla positibong magkaka-ayos sina Derek at John

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY alitan ngayon ang mag-best friend na sina John Estrada at Derek Ramsay na may kinalalaman kay Ellen Adarna. At mukhang malalim ang alitan nilang ‘yun dahil nagpahayag si Derek na tinatapos niya na ang pagkakaibigan nila ni John. At hindi na talaga maibabalik pa ‘yung dati nilang samahan.

Pero naniniwala ang misis ni John na si Priscilla Meirelles na maaayos pa rin ang gusot nina John at Derek.

Sa mensahe kasing ipinadala niya sa Pep.ph, sabi niya, “I believe John and Derek have a genuine friendship. They will sort things out eventually. And they are better men than what is going around them.”

Well, sana nga ay magkaayos pa rin sina John at Derek at maging mabuti uli silang magkaibigan. Sayang naman kasi ang friendship nila na tumagal na ng 7 years kung mawawala na lang talaga ito.

Sana nga ay dumating ang time na mahimasmasan si Derek at mapatawad niya si John kung sa tingin niya ay may nagawa itong mali sa kanya at kay Ellen.

Pero ang maganda naman kay John, kahit nagsasalita ng against sa kanya si Derek, hindi naman niya ito nireresbakan. Nananatiling tikom ang bibig ni John.

Siguro, dahil ayaw niyang lumaki pa ang hindi nila pagkakaunwaan ni Derek kung sasagutin niya ang mga naging pahayag nito tungkol sa kanya.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …