Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jervy delos Reyes, may negosyong pinagkaka-abalahan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAY pinagkaka-abalahang negosyo ang BidaMan finalist na si Jervy delos Reyes. Nabanggit niya ito sa amin nang makahuntahan namin siya ilang araw na ang nakalipas.

Ani Jervy, “I just opened a new business despite of this pandemic, bale may resto na po ako. Ito po ay located sa Timog, Quezon City po at ang name po is Mangan Tila Pigar Pigar.

“Sa BBQ po ako ang nagma-manage, minsan ako na rin ang nag-iihaw. Pero ang best seller talaga namin is yung Pangasinan food, like pigar pigar.”

Hindi naman daw taga-Pangasinan si Jervy, kundi ang kanyang business partner.

Lahad ng aktor, “Iyong kasosyo ko po is si Kirst Viray, siya ang taga-Pangasinan.”

Ipinahayag ni Jervy na masaya siya ngayon na ang kanyang naipong pera ay hindi nawawaldas sa walang kapaparakang mga bagay.

“Masaya po, kasi kahit paano may napupuntahan yung pera ko and napapaikot ko yung ipon ko, na hindi tulad dati na puro ako luho and gimik,” esplika pa niya.

Si Jervy ay bahagi ng cast ng pelikulang Balangiga 1901 na tinatampukan nina  Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Mark Neumann, Franco Miguel, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Jao Mapa, Ricardo Cepeda, at iba pa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …