Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DFA Sec. Locsin ‘napuno’ sa China

HINDI napigilan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr., na maglabas ng maanghang na salita laban sa bansang China.
 
Kasunod ito ng naging apela ng China sa Filipinas na tigilan ang anomang aktibidad sa West Philippine Sea na makapagdudulot ng tensiyon.
 
Sa tweet ni Locsin, ang China ang may problema dahil hindi marunong makinig maging sa kanyang sarili kaya’t hindi mapagsabihan na mali ang kanyang ginagawa at huwag gawin ng iba.
 
Hindi umano mahirap intindihin ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa United Nations (UN) Declaration at sa Arbitral ruling na nagpapatunay na lahat ng maritime features doon ay pag-aari ng Filipinas.
 
Nanindigan ang Kalihim na hindi ang Filipinas ang sumira sa relasyon at pagkakaibigan ng China bagkus sila ang sumira at dapat silang lumayas.
 
Nasabi ito ng Kalihim sa maanghang na pananalita na may halong mura (oh get the fuck out).
 
Sa pagpuna sa naging pahayag ng Kalihim laban sa China, sinabi nito, nais niyang iparamdam ang kanyang sinseridad sa kanyang sinabi.
 
Sa karaniwan aniyang pananalita ng diplomatiko, walang nangyayari, pero hindi rin naniniwala ang Kalihim na may positibong epekto ang kanyang pamamaraan ng pagpapahayag laban sa China.
 
Aniya, pahayag niya ito sa kanyang mga pagtitimpi laban sa China na mas malala naman kompara sa kahihiyang dinanas ngayon ng China sa rehiyon at sa mundo. (JAJA GARCIA)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …