Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Checkpoints hinigpitan, house lockdown pinalawig (Sa Pampanga)

NAGTALAGA ng iisang entry at exit point ang mga awtoridad upang masala ang bawat pagpasok at paglabas ng mga tao at mga sasakyan maging sa ibang lugar sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Hinigpitan na rin ng mga kawani ng Public Order and Safety Coordinating Office, kasama ang mga kinata­wan ng barangay ang galaw ng mga mamimili sa public market mula 5:00 am hanggang 3:00 pm upang maiwasan ang hawaan ng CoVid-19.

Ito ay bilang pagtalima sa Executive Order CMO2021-21 na nilagdaan ni Mayor Edwin “Edsa” Santiago sa pagpapalawig ng House Lockdown mula 12:01 am, 12 Abril hanggang 11:59 pm, 18 Abril 2021, sa lungsod sanhi ng paglobo ng mga kaso ng CoVid-19 sa lugar.

Alinsunod dito, hindi pinahihintulutang puma­sok sa siyudad ang hindi mga residente maliban kung may maipakikitang ID at sertipikasyon ng kom­panyang kina­bibilangan at negatibong RT- PCR test result.

Ipinag-uutos sa lahat ng mga punong barangay ang mas estriktong pagpapatupad ng home quarantine, manatili sa pamamahay kung hindi importante ang sadya sa paglabas.

Bawal din lumabas ang edad 17 anyos pababa sa mga menor de edad at 61 anyos pataas sa mga senior citizen kung hindi ‘essential’ ang dahilan.

Pinatutupad din ang minimum safety health protocol sa lahat ng oras, curfew mula 10:00 pm hanggang 5:00 am ; at ang liquor ban sa siyudad.

Matatandaang idine­klara ni Governor Dennis “Delta” Pineda sa kanyang nilagdaang Executive Order No. 5 ang House Lockdown mula 20 Marso hanggang 5 Abril at pinalawig ito mula 5-15 Abril upang mapababa ang nakaaalarmang paglobo ng mga kaso ng CoVid-19 sa lalawigan.

Inatasan rin ang mga kapitan ng mga barangay sa buong lalawigan na maglatag ng mga quarantine control points upang makontrol ang paglabas-masok ng mga residente kaakibat ang pagpapatupad ng minimum standard ng safety health protocols na panuntunan ng pama­halaan.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …