Wednesday , January 15 2025

Drug den sinalakay 5 suspek nalambat

LIMANG hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga ang naaresto nang salakayin ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3) – Tarlac Provincial Office, ang minamantinang drug den ng mga suspek sa Block 1, Estrada, sa bayan ng Capas, lalawigan ng Tarlac.

Ayon kay PDEA3 Director Christian Frivaldo, agad nilang inaksiyonan ang tip mula sa mga mamamayan na tumawag sa hotline ng “Isumbong mo kay Wilkins” ng PDEA na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek na kinilalang sina John Karlo Ramos, 27 anyos; Renato Reyes, 41 anyos; Melvin Lugtu, 36 anyos; Racquel Rustillo, 29 anyos; pawang mga residente sa Brgy. Estrada, sa nabanggit na bayan; at Elsa Urgel, 30 anyos, taga-Karuhatan, lungsod ng Valenzuela.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 40 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000, iba’t ibang mga pinagga­mitang shabu paraphernalia, at marked money.

Nakatakdang sampa­han ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa PDEA custodial facility.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *