Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapako sa krus tuwing Semana Santa ipinagpaliban sa Pampanga (Sa paglobo ng CoVid-19)

IPINAGPALIBAN ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga at PRO3-PNP ang mga nakagawiang tradisyon na laging dinarayo ng mga lokal at banyagang turista sa darating na Semana Santa upang maiwasan ang patuloy na paglobo ng mga kaso ng CoVid-19.

Kaugnay nito, magtatalaga ng mga pulis ang PRO3 sa San Pedro Cutud, sa lungsod ng San Fernando, na pinagdarausan ng pagpapapako sa krus taon-taon, upang matiyak na walang magsasagawa ng mga kinakagawiang tradisyon ng mga Kabalen.

Kabilang dito ang pagpepenetensiya sa pamamagitan ng paghahampas at pagpapalo ng kawayang palaspas sa likuran hanggang bumulwak ang dugo at paglipat-lipat sa ibang mga estasyon ng krus, dadapa, at pagpapapalo, na karaniwang mga tanawing binalik-balikan ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar.

Kinakansela muna, dahil sa dinaranas nating krisis dulot ng pandemya, ang tradisyonal at aktwal na pagpapapako sa krus ng mga deboto na dinudumog ng mga turista upang personal na masaksihan.

Bawal ang mga pagsasagawa ng pabasa, prusisyon, Visita Iglesia, o anumang pagtitipon na ginagawa tuwing Semana Santa na maaaring lumikha ng ‘mass gathering’ na puwedeng maging instrument ng lokal na transmisyon ng CoVid-19.

Ayon kay San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, maaaring magbasa ng Biblia bilang alternatibo sa paggunita ng Semana Santa at i-monitor ang Facebook live nila sa iba pang aktibidad.

Ipinag-utos ni Pampanga Gov. Dennis “Delta” Pineda ang house lockdown sa buong lalawigan mula 20 Marso hanggang 5 April dahil paglobo ng mga kaso ng CoVid-19 sa lugar.

Kaugnay ng pag-akyat ng bilang ng impeksiyon CoVid-19 sa mga kalapit na lalawigan tulad ng Bulacan,  kasama sa NCR bubble, pinaigting din ng PRO3-PNP ang mga border checkpoint sa bayan ng Apalit upang makontrol at masala ang pagpasok ng mga hindi awtorisadong indibidwal.

Naglatag ng mga checkpoint at control point sa bawat barangay na pinagbabawalang lumabas ang mga menor de edad, 17-anyos pababa at mga senior citizen na lampas 60 anyos.

Papayagang lumabas ang dalawa katao bawat pamilya para sa pagbili ng mga kinakailangan araw-araw at ipinapatupad rin ang curfew hours mula 10:00 pm hanggang 5:00 am kinabukasan.

Pinayohan ni Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda ang mga Kabalen na nanggagaling sa ibang probinsiya at uuwi ng Pampanga upang gunitain kasama ang buong pamilya ang Semana Santa na sumailalim muna sa swab test upang matiyak na hindi sila positibo sa CoVid-19.

Pinaalalahanan at nanawagan si PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon sa lahat ng mga Kabalen at sa buong rehiyon ng Central Luzon na dapat sundin ang mahigpit na ipinatutupad na basic minimum health safety protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield, palagiang paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon, isa hanggang dalawang metrong physical/social distancing, at pag-iwas sa matataong lugar upang makatulong sa pagbaba ng mga kaso ng hawaan sa lalawigan. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …