Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug den sinalakay 5 tulak nalambat

LIMANG hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga ang nalambat sa isinagawang pagsalakay ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency3 (PDEA3) sa pamumuno ni Director Christian Frivaldo at Mabalacat City Police Station sa pamumuno ni P/Lt. Col.  Rossel Cejas nitong Sabado, 13 Marso, sa mismong drug den na minamantina ng mga suspek sa Brgy. Dapdap, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/Col. Arnold Thomas Ibay ang mga suspek na sina Marissa Manaois, 44 anyos; Ronald Padilla, 23 anyos; Robin Manaois, 21 anyos; Jo Anthony Gueco, 36 anyos; at Roxane Manaois, 18 anyos; pawang naninirahan sa naturang barangay.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang siyam na paketeng naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, iba’t ibang drug paraphernalia, at marked money na ipinain sa mga suspek.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa prosecutor’s office ang mga suspek na isinailalim sa drug testing ng PNP crime laboratory. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …