Friday , April 18 2025
BARMM
BARMM Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

BARMM elections makaaantala sa pag-unlad ng rehiyon (Kapag iniliban)

NAGBABALA si Senador Imee Marcos na ang pagpapaliban ng eleksiyon sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) ay maka­aantala sa pag-unlad ng rehiyon at sa pagtatama ng makasaysayang kawalan ng hustisya sa mga mamamayan nito.

Binigyang diin ni Marcos sa harap ng paghahain ng maraming panukalang batas sa senado at kamara na ipagpaliban sa 2025 ang nakatakda sa batas na pagdaraos ng BARMM elections sa Mayo 2022 kasabay ng national elections.

Giit ni Marcos, bilang chairman ng Senate committee on electoral reforms, kailangang ibalanse ang pagtupad sa pangunahing layunin ng BARMM Organic Law at pagbibigay sa Bangsamoro Transitional Authority (BTA) ng sapat na panahon para maka­ahon sa mga probemang dulot ng CoVid-19 pandemic at magkaroon ng maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa mga halal na opisyal.

“Sa harap ng tunay na layunin ng BARMM Law na itama ang makasaysayang kawalan ng hustisya – political, military, at economic – napakahalagang mairaos ang eleksiyon sa pinaka­madaling panahon,” diin ni Marcos sa hearing kahapon ng Senate committee on local government.

Dagdag ni Marcos, makakamit na maging ganap na lehitimo ang politika sa BARMM matapos maisagawa ang eleksiyon.

“Hindi mahihinto ang gulo at hindi babalik sa normal ang sitwasyon sa BARMM kung hindi buo ang political legitimacy sa rehiyon, hindi lehitimo ang mga pamumuno at kung hindi makokompleto ang karapatang bomoto ng mga mamamayan ng BARMM. Ang eleksiyon lang makapagbibigay nito sa kanila,” paliwanag ni Marcos.

“Makakabalik lang sa normal ang BARMM pagkatapos ng eleksiyon, na naiwang nakatiwang­wang dulot ng pandemya, at solusyoan ang bukod-tangi at napakahirap na sitwasyon ng rehiyon,” dagdag ni Marcos.

Maaaring isagawa ang BARMM elections “ilang buwan o isang taon pagkatapos” ng May 2022 elections, imbes tatlong taon pang hihintayin, rekomen­dasyon ni Marcos.

“Ang Commission on Elections (Comelec) ay agresibo nang naghahan­da para sa dalawang elek­siyon sa 2022, kabilang ang pag-upgrade sa listahan ng mga botante sa SK (Sangguniang Kabataan) maging ang pagpapa-rehistro ng mga OFW (overseas Filipino workers),” pagdidiin ni Marcos.

Bagamat nananatili ang BTA, ang eleksiyon ng BARMM ay isasailalim sa kontrol ng Comelec.

Binanggit ni Marcos, sa kabila ng pandemya, ang plebisito sa pagha­hati ng probinsiya ng Palawan sa tatlo ay nakatakda na ngayong Sabado.

“Alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, lahat ng eleksiyon ay dapat matuloy sa mas malapit o itinakdang petsa nito,” ayon kay Marcos. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *