Saturday , November 16 2024

Miyembro ng drug group sa Zambales todas (Tulak nanlaban sa drug bust)

PATAY ang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagpalitan ng mga putok laban sa mga kagawad ng Provincial Intelligence Unit at San Narciso municipal police station sa isinagawang drug bust nitong Lunes ng madaling araw, 8 Marso sa bayan ng San Narciso, lalawigan ng Zambales.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, sa ulat ni P/Col. Romano Cardiño ang suspek na si Rucel Toceno, alyas Dodong, top 8 priority-provincial level, sinasabing kabilang sa Ducusin Drug Group na kumikilos sa lalawigan at karatig na probinsiya.

Nabatid na naamoy agad ng suspek na tagilid ang kanyang sitwasyon kaya karakang kumuha ng buwelo at pinutukan ang katransaksiyong operatiba na mabilis na gumanti ng mga putok at kasamahang mga back-up na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Narekober ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang 21 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, pistola na may magasin, apat na bala, cellphone, marked money, at Yamaha Mio na motorsiklo ng suspek.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *