Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-RHB timbog sa boga’t bala (Sa kampanya kontra loose firearms ng PRO3-PNP)

ISANG dating miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) ang naaresto makaraang mahulihan ng baril at mga bala nitong Biyernes, 5 Marso sa patuloy na kampanya kontra loose fireams ng PRO3-PNP sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, batay sa ulat ni P/Lt. Col. Michael Jhon Riego ang suspek na si Eddie Martin, 50 anyos, magsasaka, may asawa, dating miyembro ng RHB na kumikilos sa Pampanga at nagbalik-loob sa pamahalaan ilang taon na ang nakararaan at sumailalim sa amnestiya ng gobyerno.

Ayon kay Riego, agad nilang isinilbi ang search warrant na inisyu ni Hon. Judge Amor Dimatactac-Romero, Executive Judge, 3rd Judicial Region, Guagua, Pampanga sa tirahan ng suspek sa Purok 6, San Pedro Palcarangan, sa naturang bayan.

Matapos ang pali­wana­gan at pakiusapan, mapayapang isinuko ng suspek ang kanyang baril na kalibre .38, isang magasin, at pitong mga bala na walang kaukulang papeles.

Pahayag ni Martin, proteksiyon sa kanyang sarili ang itinatagong baril sakaling lusubin siya ng mga dating mga kasama­han sa kilusan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1866 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa PNP custodial facility.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …