Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City

Tiwaling BPLO job-order staff hindi umubra kay Mayor Oca

TINANGGAL sa serbisyo ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang job-order worker na naaresto sa entrapment operation na isinagawa ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Mayor Oca, ang hinuling job-order worker na si Vince Noveno, nakatalaga sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ay inirereklamo ng extortion ng isang ice plant sa lungsod.

Nangyari ang entrapment operation ng NBI habang nasa trabaho si Noveno sa North City Hall ngayong tanghali.

“Hindi natin kokonsintihin ang mga maling gawain ng ating mga kawani. Dapat makulong at matanggal sa serbisyo ang mga lingkod-bayan na mapapatunayang guma­ga­wa ng labag sa batas,” ani Mayor Oca.

“Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan tayo sa NBI para malaman ang ibang detalye tungkol dito. Tinitiyak ko rin na makikipagtulungan tayo sa NBI para masam­pahan ng kaso ang nahuling kawani,” paliwa­n­ag ng punong-lungsod.

Hinihikayat i Mayor Oca ang mga mamama­yan na isumbong ang mga ganitong uri ng gawain upang kaagad matanggal sa serbisyo ang mga mapapa­tunayang lumabag sa batas.

“Wala pong lugar ang katiwalian sa ating pamahalaang lungsod. Wala po tayong sisinohin pagdating sa ganitong usapan. Bilang mga lingkod-bayan, tayo ang dapat maging mabuting halimbawa sa mga mamamayan,” ani Mayor Oca. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …