Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTO officials ‘paupuin’ sa car seat, at lagyan ng ‘koronang’ gulong (Prehuwisyong totoo, kunsumisyon ng publiko)

HINDI talaga magkandatuto sa ‘pambobola’ ng tao ang Land Transportation Office (LTO) na kinakatawan ng kanilang mga opisyal.

Kahapon, nahuli sa sariling bibig si Land Transportation Office-NCR West director Atty. Clarence Guinto sa interview ni Tyang Amy (Amy Perez) sa Teleradyo.

Sabi nga, “nahuhuli ang isda sa sariling bibig.”

Sa pagkakataong ito, nahuli ang opisyal ng LTO na tila hindi nila naiintindihan ang mga ginagawa nilang patakaran o hindi nila naiintindihan ang kanilang sinasabi sa publiko.

Narito po ang buhay na saksil, sabi nga, sa palitan ng tanong at sagot nina Tyang Amy at Atty. Guinto.

Tyang Amy: Kung ang 12 years old sobrang tangkad at siya po ay lalagyan ng booster… aangat at tatama ang ulo sa kotse. Hindi po ba mas delikado ‘yun?

Atty. Guinto: Siguro Ma’am Amy, laki-lakihan mo sasakyan mo.

Wattafak!

Hindi natin alam kung ‘gumigimik’ itong LTO officials para magkaroon sila ng ‘name recall.’

Nagpapakontrobersiyal para matandaan ang mga pangalan nila.

Bakit tatakbo ba kayong senador, kongresman o kinatawan ng party-list?!

Oo nga, puwede naman siguro kayong bumuo ng party-list — Partido ng mga Kamoteng may Ulalo (Ka-Ulol Party-list).

Bagay na bagay sa inyo ‘yan mga u – – – s!

O bawal ang pikon mga opisyal ng LTO.

Sinusubukan ko lang kung gaano kayo kabalat sibuyas. Kasi ‘napaka-insensitive’ ninyo sa kalagayan ng mga motorista, riders, drivers and commuters.

Sa totoo lang, sa 100 taong nakakasalubong namin sa kalsada, 1,000 masasamang salita ang naririnig namin patungkol sa inyo.

Huwag po ninyo silang sisihin, kasi sa totoo lang, wala kaming maramdaman na paglilingkod ninyo para sa ikabubuti ng mga sektor na dapat ninyong pinaglilingkuran.

Kung nakamamatay lang po ang ‘mura at galit’ ng tao baka hindi na kayo nagkakalat ng kahihiyan sa mga sandaling ito.

Anyway, pagkatapos ratratin ng netizens si Atty. Guinto sa social media, aba humingi ng pasensiya — nagjo-joke lang daw siya?!

Sonabagan!  

Inilinaw ni Guinto na ang batang may taas na 4 feet and 11 inches, ay exempted sa child car seat sa ilalim ng Republic Act No. 11229 (Child Safety in Motor Vehicles Act), dapat daw gumamit na lang ng regular seat belt. 

Mabuti naman at naglinaw kayong mga kandidato ng Ka-Ulol party-list!

O sige po, ijo-joke na rin namin kayo — iuupo namin kayo sa “child car set” at puputungan ng koronang gulong  ng 10-wheeler truck sa loob ng dalawang oras sa kainitan ng araw.

Pumayag na po kayo Atty. Guinto, kayong dalawa ni LTO chief, Edgar Galvante.

O joke lang po ‘yan ha… but not really.

Hik hik hik!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About G. M. Galuno

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …