Friday , April 25 2025

Walang pipipiliin dapat handa lahat at maunang magpabakuna — Bong Go

INAMIN ni Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go wala siyang pinipiling CoVid-19 vaccine at handa siyang maunang magpabakuna kung sakaling may available na.

Ayon kay Go, ang mahalaga ay safe na bakuna habang dapat ani­yang unahin ang mahihi­rap dahil sila ang kailangan lumabas para magtrabaho.

Binigyang diin ni Go, dapat ipakita ng gobyer­no sa taong bayan na magtiwala sa bakuna sa pamamagitan ng  pangu­nguna sa pagpapaturok.

Una nang hinamon ni Go ang mga opisyal ng gobyerno na manguna sa pagpapabakuna para maalis ang takot ng mga tao sa mga bakuna dulot ng mga nakalipas na pangyayari.

Matatandaan na pina­ma­madali ng adminis­trasyon ang pagbili ng bakuna para masimulan na ang pag­babakuna sa mga mama­mayan ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Go, pinag-aaralang mabuti ng gobyerno ang kaligtasan ng  bakuna.

Ang pahayag ni Go ay batay sa naging puna ng nasa minoryang senador.

Sinabi ni Go, ang mga bakuna na bibilhin ng  gobyerno  at ng  private sector ay kailangan ng Emergency Use Authorization at dapat pumasa sa clinical trials.

Ayon kay Go, hindi ito sa nagiging  choosy ang gobyerno kundi nagsisiguro lang habang mayroong  vaccine panel of experts  na mag-aaral bago apro­bahan ang EUA.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *