Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oposisyon binutata sa maagang ‘politika’ (Sa Caloocan)

ni JUN DAVID

PINABULAANAN ni Caloocan City Treasurer, Analiza Mendiola ang sinabi ng ilang konsehal sa panig ng oposisyon na humihingi ng ulat ng lungsod hinggil sa mga gastusin sa CoVid-19.

Iginiit niya na regular na isinusumite ng kanyang opisina ang disbursement reports sa tagapangasiwa ng City Council bilang pagsunod sa itinakdang ordinansa sa panuntunang inilaan para sa mahigit P1 bilyong supplemental funds bilang tugon ng lokal na pamahalaan laban sa pandemya.

Sinabi ni Mendiola, mayroon siyang katibayan na tinanggap ng secretariat ng City Council ang mga ulat tungkol sa mga naging gastusin.

“Mahigit kumulang na 65,000 tablets ang ipinamahagi sa mga estudyante ng grade 9 to 12, at 2 milyong food packs ang naipamahagi mula noong Marso hanggang Disyembre. Isama pa natin ang P750 milyong  cash aid na ibinigay sa mga taga-Caloocan tulad sa mga mag- aaral ng UCC, mag-aaral ng pampublikong high school at elementary sa lungsod at iba pa, ayon kay Mendiola.

Nagtataka si Konsehal Dean Asistio sa mga naglabasang balita kasi alam ng mayorya na kompleto ang reports.

“Nakoryente ang mga miyembro ng minorya sa kanilang pinagsasabi. Palibhasa puro pamomolitika ang nasa isip kaya mali ang mga diskarte. Kompleto po ang mga reports kaya hindi dapat mabahala ang aming mga kababayan dito sa Caloocan,” sabi ni Asistio.

“Mabuti pang umikot sila sa Caloocan para malaman kung nararamdaman ng mga taga-Caloocan ang serbisyo ng buong administrasyon,” saad ni Konsehal Asistio.

“Sa gitna ng patuloy na banta ng CoVid-19 at ang ulat sa pagkakaroon ng panibagong strain, higit na kailangan ng Caloocan City ang suporta ng konseho para mabilis na mapatupad ang mga programa ni Mayor Oca para sa kaligtasan at kalusugan ng lahat ng taga-Caloocan. Insensitive na lang ang sino mang opisyal na gagamitin ang pamomolitika sa panahon ng pandemya,” ayon pa kay Asistio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …