Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.3-M shabu kompiskado sa Montalban

TINATAYANG nasa P1,360,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang pinaniniwalaang big time na tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation kahapon, 14 Setyembre, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.

 

Ikinasa ng PDEA Special Enforcement Service ang anti-illegal drugs buy bust operation dakong 3:10 pm nitong Lunes, laban sa dalawang suspek sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose, ng nabanggit na bayan.

 

Nakompiska ng mga operatiba ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.36 milyon sa dalawang big time drug pusher.

 

Para sa isinasagawang follow-up operation, upang masukol ang iba pa nilang kasamahan, hindi pa inilalabas ng PDEA-Rizal ang pangalan ng dalawang arestadong big time tulak.

 

Hawak ng PDEA Region-4A ang mga suspek habang isinasailalim sa interogasyon. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …