Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Divina Valencia handang magpaluwal sa DNA Test para kina John Regala at sa hindi kinikilalang anak na lalaki sa isang Japayuki

DURING her prime ay isa sa malapit na kaibigan ni Divina Valencia, sa showbiz ang kamamatay

na si Ruby Regala, mother ni John Regala. Kaya alam din ni Tita Divina ang history ni John na hindi ito kinilala ng amang actor na si Mel Francisco na matagal nang namaalam sa mundo.        Kaya malaki ang galit at tampo ni John sa tatay niya.

Now mukhang the history repeat itself dahil si John naman ang laman ngayon ng balita na kasalukuyang naka-confine sa National Kidney

and Transplant Institute (NKTI) sa Kyusi na siya naman ang ang ayaw i-acknowledge ang nagpapakilalang anak na lalaki na si John Santos sa isang Japayuki na nakarelasyon daw ng actor noon sa Tokyo, Japan.

Nang makarating ito kay Tita Divina ay agad siyang nag-post sa kanyang Facebook. Nakahanda raw siyang maglabas ng pera para sa DNA Test ni John at sa nagki-claim na anak.

Narito ang post ng beteranang aktres na parte ng teleseyerye ng GMA7 na Bilangin Ang Bituin Sa

Langit.

“Hindi sa pakikilaam, John Regala ‘wag mong kalimutan noong bata ka pa sinabi ng ina mo

si Ruby Regala kung sino ama mo na hindi naging magaling na lalaking aminin ikaw ay kanya. Nalito man o hindi si Mel Francisco, hindi naging talagang lalaki hindi magsisinungaling ang ina mo kung sino ang ama ng lanyang anak. Lumaki at tumanda kang ayaw kang paniwalaang ikaw ay anak nga ni Mel Francisco. Merong batang hinahanap ka, hayan lumitaw, kung sa isip mo ay hindi mo anak, bigyan mo ng pagkakataong mapatunayan niya na ikaw o hindi ikaw ang tunay na Ama. DNA gawin mo. Kung ayaw mong gumastos at tinitinitipid mo perang mga natanggap mo panggastos mo sa sakit mo, ako ang gagastos sa DNA. Malaman lang ng BATA ang katotohanan. Bigyan mo ng  konting oras para malaman lang ang katotohan We are running out of time,” sabi pa ni Tita Divina na nagmamalasakit lang sa binatang si John, na 24 year old, at nagtatrabaho bilang truck driver.

Nauna nang ipina-DNA test ni Raffy Tulfo ang nasabing rumor father and son na positive raw ang results.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …