Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay Mikay, kaliwa’t kanan ang projects

DALAGITA na ngayon ang tinaguriang The Dynamic Duo sa talento at cuteness na sina Kikay Mikay. Dahil talented talaga, kaliwa’t kanan ang projects nila ngayon.

Kabilang ang dalawang bagets sa katatapos lang ba movie (bago mag-lockdown) na pinamagatang Nagalit Ang Patay Sa Tagal Ng Lamay, starring Pekto, Bembol Roco, Carlo Cepeda, PJ Abellana under White Eagle Film Production, directed by Zaldy Munda. Parte rin sina Kikay Mikay ng School Campus tampok si Awra Briguela, directed by Carlo Conge Montero at Zaldy Munda. Plus, isa pang pelikula from direk Mike Magat.

Nagkuwento rin sila sa mga pinagkakaabalahan ngayon. Pahayag ni Mikay, “Lagi po namin hinahasa ang aming talent, actually po, may schedule po kami from Monday to Friday naka-details po ang daily activities namin para kahit nasa bahay po kami ay continue yung pag-improve namin sa singing, dancing, acting, kahit hosting po. Nagkukunwari-kunwari po kami sa bahay na nasa stage at nag-i-interview po kami, kahit sa family po namin.”

Ayon pa sa dalawa, si Mikay ay nag-e-enjoy nang husto sa hosting, samantalang si Kikay ay sa acting naman.

Nagpasalamat din si Kikay sa mga endorsement nila. “Sa product endorsement naman po namin, thankful po kami sa kanila, isa na po ang CN Halimuyak na laging nakasubaybay po ang aming CEO na si madam Nilda Tuason, never po kami pinapabayaan sa aming mga supply na Kikay Mikay hand sanitizer, na coming soon na po sa Shopee.

“Nagpapasalamat din po kami kay madam Baby F. Go na na-choose po kami sa isang tools endoresement at ito po ay ang Total Tank Professional Power Tools. Thanks din po sa H&H Make Over Salon, Erase product, Skin Light soap, Famous Belgian Waffles, Must Better Crispy Mushroom, 27 Anapolis Condominium at coming soon po ang iba na hindi pa po puwedeng banggitin sa ngayon po.”

Napag-alaman din namin kay Mommy Diane na ang mga up-coming show nina Kikay Mikay na dapat umeere na ay na-move, dahil sa community quarantine ay na-stop ang tapings nila sa Yes Yes Yow at Inagaw na Pangarap na teleserye. Ito ay parehong sa IBC 13 at under SMAC Television Production.

Pls. follow sina Kikay Mikay sa social media, Twitter, IG, fan page YouTube channel, Kikay Mikay. This coming Friday ay may live video sila sa YouTube at magpapa-games sila roon with exciting prizes.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …