Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City

Curfew hours sa Kankaloo pinaikli na

INAPROBAHAN ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang ordinansa na nagpapaikli sa ipinatutupad na curfew hours sa lungsod habang patuloy na umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila bunsod ng pan­demyang COVID-19.

Alinsunod sa Ordinance No. 0876 na isinulong nina Councilors Enteng Malapitan at Rose Mercado na sinang-ayunan ng iba pang konsehal ng lungsod, ang bagong curfew hours ay mula 10:00 pm hanggang 5:00 am mula sa dating 8:00 pm hanggang 5:00 am.

Ipinaliwanag sa ordinansa na maraming manggagawa ang balik na sa kanilang trabaho ngunit limitado pa rin ang pam­publikong sasakyan kaya’t marami sa mga empleyado ang nananatili sa mga kalsa­da nang mas mahabang oras.

Bukod dito, binigyan na rin ng go signal ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases ang dine-in sa mga restaurant.

Ngunit dahil sa limitadong kapasidad ang pinapayagan, maraming customer ang inaabutan din ng curfew sa kanilang pagpila.

Nakasaad sa ordi­nansa, pratikal lamang at rasonable ang pagpapaikli ng curfew hours para sa kapakanan ng mga residen­te sa lungsod.

Ipinaliwanag ni Mayor Oca na dapat manatili sa kanilang mga tahanan ang mga nasa edad 21 pababa, mga senior citizen na edad 60 pataas na hindi kabilang sa essential workforce, mga maysakit at mga buntis.

“Sa kabila ng pagpapaikli sa oras ng ating curfew, patuloy ang ating paalala sa pagsunod sa health protocols tulad ng pagpa­panatili ng social distancing, pagsuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol,” pahayag ni Mayor Oca.  (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …