Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

#ExtendTheLove Actors’ Cue series ni Direk Adolf, matagumpay

NAGING usap-usapan ang unang session ng Actors’ Cue noong Mayo 1, Biyernes sa Facebook page ng Extend The Love kasama ang moderator na si Direk Adolf Alix, Jr.. Paano’y naikuwento ni Jaclyn Jose ang naging pagtalak niya sa isang pasaway na actor.

Kasama ni Jacklyn ang iba pang seasoned actress sa masayang chikahang iyon sa gitna ng health crisis sa bansa. Nakasama niya sina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Sandy Andolong, at Elizabeth Oropesa.

Ginanap naman ang ikalawang Actor’s Cue noong Linggo at kahapon, Lunes.

“The #ExtendTheLove Initiative was founded to help affected film workers during the enhanced community quarantine by offering free streaming of films like ‘4 Days,’ ‘Kinabukasan’ online and asking viewers for donation,” anang statement ng #ETL organizers.

Kuwento ni Jacklyn sa pa-blind item niya, may isang aktor na pinagalitan siya dahil dumating sa taping ng lasing at sumuka pa.

“Ako talaga, bilang lumaki ako kay Tita Chato (palayaw ng veteran actress na si Charito Solis), ‘di ba?

“Sa kanya ko natutuhan ‘yung, ‘You have to discipline the next generation. If not, walang mangyayari sa industriyang ito.’ Mayroon na akong nasabihan na aktor ngayon na ganoon, eh,” anang magaling na aktres.

“Sabi ko, ‘This is not because of my winning. This is my personality as an actor.’

 “Sabi ko, ‘Kaya walang nangyayari sa industriyang ito, dahil sa mga artistang kagaya mo!’ Ha! Ha! Ha!

 “Ang sa akin, lalo tayong magtatagal dito, imbes na maaga tayong makauwi nang sabay-sabay, makasama natin ang pamilya natin,” tuloy-tuloy na kuwento pa ni Jaclyn.

 Aniya pa, hindi siya ganoon kabilis magalit subalit hindi niya napalampas ang ginawang iyon ng actor.

“Kasi dumating siya, lasing. Nagte-take na kami, in the middle of the take, sumuka. Sumusuka.

“Tapos, tapos, we have to stop. Ibig kong sabihin, tapos, kailangan pang bigyan ng kape, punasan. 

“Iyon ‘yung range ko lang naman ng intensity. Baka kasi isipin ng iba, terror ako. Hindi naman,” pagdepensa ni Jaclyn.

Naging panauhin sa Series 2 ng #ExtendTheLove sina Raymond Bagatsing, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Alan Paule, at Bembol Roco.

Sa series 3 naman ay ang pawang mga Asian actor ang naging finalists. Ito ay sina Ananda Everingham (Thailand), Piolo Pascual (Philippines), Nicholas Saputra (Indonesia), at Rhydian Vaughan (Taiwan) na tinalakay ang ukol sa kani-kanilang mga pelikula.

 Sa huli, pasasalamat ang ipinaabot ni Direk Adolf sa mga nakasama sa session na iyon.

“Salamat po sa lahat ng nanood and to our guests – Tuding Alajar, Sirena Ng Laot, Jaclyn Jose, Jacqueline Elizabeth Freeman and Victoria Lorna Fernandez. It was a great conversation. 

 “Thank you Kuya Rodel Valiente for helping us mount this. And to Sir Jojo Devera for lending us some clips. #ExtendTheLoveActorsCue Series 1.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …