Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abby, ‘di na nakilala sa pagbabalik

NAPAISIP lang kami kung sino ang magandang karagdagang guest sa FPJ’s Ang Probinsyano na may anak at alalay na bading na kanyang partner in crime. Kahit saan namin siya angguluhan ‘di agad namin siya nakikilala hanggang sa may nagsabing iyon si Abby Veduya, ang dating sexy star.

Tinitigan namin siya sa TV screen pero ang layo sa dating Abby noon na gandang-ganda kami.

Well, nawala lang sa isip namin na malaki ang pagbabago sa mukha kung nagma-mature na ang isang tao.

Agad naming naisip kung bakit siya napunta sa serye na recently lang namin nabalitaan na involve siya kay Jomari Yllana, ang ex ni Aiko Melendez.

Well, agad naman itong pinabulaanan ng sexy star na hindi siya ang naging kabit o dahilan kaya nahiwalay si Jomari sa kinakasama na mayroon siyang dalawang anak.

May misteryo ang role ni Abby dahil may eksena itong may sugat ang mukha na iisipin mong binugbog ng kaaway.

Pero ang tsika, nabangga lang ang mukha nito sa isang matigas na bagay kaya nagkasugat na puwededng isiping may lihim itong itinatago.

Isa lang ang dapat isipin kung battered partner ito pero wala pa namang ipinakitang mayroong secret lover sa takbo ng istorya. Kaya abangan na lamang.

Pakiramdam namin, true-to-life ang ginagampanan ni Abbey na kung ito ang batayan ng serye para tumagal sa ere, well isang mainit na pagbati, they made it again. Keep it up.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …