Saturday , May 4 2024

Marian Rivera at Ms. Rhea Tan, clique ang tandem para sa BeauteDerm Home

NAG-RENEW ng kontrata ang Kapuso star na si Marian Rivera bilang mukha ng Reverie by BeauteDerm Home. Present sa okasyon na ginanap sa Luxent Hotel ang BeauteDerm CEO na si Ms. Rhea Tan. Ang partnership sa pagitan ng Beautéderm at ni Marian ay nagsimula last year at pinasabog ng tagumpay nito ang social media at nag-trend sa halos lahat ng news platforms sa bansa.

Ang Reverie by Beautederm Home ay isang exquisite line of home scents-mula sa soy candles hanggang sa room at linen sprays – na nilikha ng Beautéderm sa pakikipagtulungan kay Marian. Ang Reverie line of Beautéderm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent). Mayroon na rin silang Air Diffuser na masarap ilagay sa room at perfect na perfect pangregalo ngayong Pasko.

Sa panayam namin sa lady boss ng BeauteDerm, inusisa namin kung anong pinakagusto niya about Marian? “Hindi lang siya endorser ko, naging ano po kami, pamilya. So parang nagkukulitan kami everyday sa iba’t ibang mga bagay,” aniya.

Kapag bineso-beso niya kayo sa lips talaga? “Oo, gusto niya ‘yun, sabi niya, ‘Ate, kiss!’ Ganoon siya ka-sweet. Super wala siyang arte po talaga, ako mismo ‘yung nahihiya kasi siyempre parang ‘di niya alam na big star siya. Napaka-humble niya.”

Ayon kay Ms. Rhea, marami pang lalabas na product si Marian sa BeauteDerm Home. Idinagdag ni Ms. Rhea na happy siya sa tandem at collaboration nila ng magandang misis ni Dindong Dantes. “Sobra! Pero lagi pa rin ako nai-starstruck sa kanya. Super sanay na ako ‘pag presscon, pero ‘pag siya, naku! Parang nag-iiba itsura ko kasi nga kinakabahan na ako. Kasi iba pa rin e, ‘di ba? Kasi laging pagbukas mo ng TV, siya ‘yung nakikita. Kaya sabi ko, someday mag-iipon ako, na sana lumabas din siya sa TV na Bueatederm Homes po ‘yung makikita ko naman.”

Ayon naman kay Marian, “Maligaya ako sa pag-represent ng Beautéderm Home, pamilya ko na po ang Beautéderm Home. At home ako tuwing kasama at katrabaho ko sila. Laging sineseguro ni Rhea na lagi akong komportable at sobrang halaga sa akin ng partnership ko sa kanya. Nag­pa­pasalamat ako at ini-renew ako ng Beautéderm Home para sa isang bagong taon at humbled ako sa tiwalang ibinibigay nila sa akin.”

Bilang isa sa top leaders ng beauty and wellness industry, mahalaga sa Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga natural na sangkap na pinagsama-sama upang makapagbigay ng pinakamabilis at pinakaepektibong long-term at sustainable na resulta. Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa flagship brands nito ang Beautéderm Skin Set na kinabibilangan ng patented soap, toner, day cream, at night creams; ang Purifie Facial Wash; at ang Beautéderm’s Origin Senses perfume line for men at pati na rin ang mga bagong produkto nito tulad ng Beauté Balm, Au Revoir Skin Soothing Oil, at Cristaux Gold Elixir Serum.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *