Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

Pabrika ng mantika ipina-inspeksiyon ni Malapitan

NAG-INSPEKSIYON ang pamahalaang lung­sod ng Caloocan sa Trans-Asia Philippines Manufacturing Industries Corporation dahil sa pagkakaospital ng ilang mga empleyado nito matapos makalanghap ng kemikal.

Kaagad ipinag-utos ni Mayor Oca Malapitan ang pagsasagawa ng personal na inspeksiyon sa kompanya para sa kaligtasan ng mga residente at kawani nito.

Ayon kay Dr. James Lao, City Disaster Risk Reduction and Manage­ment Office head, hini­hintay ang resulta kung anong kemikal ang na­lang­hap ng mga emple­yado ng kompanya.

Sa kasalukuyan, nakalabas na ang siyam na empleyado na dinala sa ospital matapos ang medical check-up, maging ang isang na-admit. Samantala, ang isa ay nagpapagaling pa rin.

Aaksiyon ang pamahalaang lungsod at ang Department of Labor and Employment (DOLE) batay sa resulta ng isinasagawang imbes­tigasyon. (JUN DAVID)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …