Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

McCoy de Leon, nag-init kay Roxanne Barcelo

HINDI itinanggi ni McCoy de Leon na mismong si Roxanne Barcelo ang inisip niya sa kanilang love scene sa pelikulang G! na tinatampukan din nina Mark Oblea, Paulo Angeles, at Jameson Blake.

Esplika ni McCoy, “Siya talaga ang inisip ko, kasi wala akong maisip, kasi parang hindi mo na kailangan mag-isip. Kasi, usually, hindi ba mga artista naman talaga ang i-imagine-in mo? Kasi napakagaling ni Ms. Roxanne, maganda at sexy.”

Mula sa direksiyon ni Dondon Santos, ang G! na handog ng Cineko Pro­ductions ay nag-iisang tropa movie sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino na mapa­panood na sa mga sinehan sa Sept. 13. Ito’y ukol sa binatang si Sam (McCoy) na may cancer at kabilang sa bucket list niya bago mama­tay ang maka-experience ng sex kasama ang mga kaibi­gang sina Dom (Jameson), Wacks (Mark) at Bry (Paulo). Si Roxanne ang gaganap na Sandy, na tutupad sa first sexual experience ni Sam.

Aminado ang actor na tinablan siya sa love scene nila ni Roxanne. “Tinablan po ako noong eksena, hahaha! Pero after naman ng eksena, ina-ate ko na nga si Ms. Roxanne, e. Kumbaga during ng eksena, parang tinitingnan ko siya, magagandahan ka talaga e, hindi na kailangan mag-effort pa para pagandahin siya sa isip ko. G na, G (game na game) na talaga po kami sa eksena, actually, nakalimutan ko na nga po kung nakailan kaming take. Kasi may pinagdaraanan din siya sa eksena at ako nga po may pinag­daraanan din, dahil may sakit ako sa movie. Kumbaga, bonus na lang po, pampakiliti na lang sa mga tao iyong mga sexy scene,” saad ni McCoy.

Pahabol niya, sa kabuuan ng pelikula ay mas kaabang-abang ang love scene nila ni Roxanne. “Sa trailer kasi parang kaunti lang. Lalo na kapag pinanood, dere-deretso siya, pa-intense nang pa-intense. May sexy, pero mas nangibabaw talaga rito ‘yung mga kalokohan at iyong pagkakaibigan sa istorya.”

Mapapanood na ang G! sa Sept. 13 bilang entry sa 3rd PPP kasabay ng pagdiriwang ng 100th anniversary ng Philippine Cinema. May premiere night ito sa Martes, Sept. 10 sa Cinema 5, SM North, Quezon City. Kasama rin sa movie sina Kira Balinger, Rosanna Roces, Jao Mapa, Gio Alvarez, Dominique Roque, Moi Bien, Alora Sasam, Nick Parker, Precious Lara Alcaraz, at Joey Marquez.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …