Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FDCP pangungunahan ang Sine Sandaan… Pagdiriwang sa 100 taon ng pelikulang Filipino

NAGKAISA ang mga ahensiya, institusyon, at stakeholders para suportahan ang pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. Gaganapin ang commemoration ng centennial sa 12 Setyembre 2019 at mamarkahan ng FDCP ang napakahalagang okasyong ito sa Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Para bigyang-karangalan ang glory days ng Pelikulang Pilipino, ang Sine Sandaan ang magsisilbing kick-off sa year-long celebration. Itinakda ang gabing ito para ipagdiwang ang legends, icons, luminaries, at unsung heroes ng Pelikulang Pilipino. Magkakaroon ng musical at entertainment extravaganza na ibibida ang journey ng Pelikulang Pilipino sa isang daan nitong taon. Ang Sine Sandaan ay co-presented ng CMB Film Services at ABS-CBN at sinusuportahan ng Department of Tourism (DOT), Araneta Group, at Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP).

Dadaluhan ito ng mahigit sa 300 most influential names sa Pelikulang Pilipino sa harap at likod ng camera na naging malaki ang ambag sa pagsulong nito. Tampok din sa event ang moving per­formances na nagha-high­light ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino para sa paggunita sa once-in-a-lifetime mile­stone ng local film industry. Gaganapin ito para bigyang-parangal ang pelikulang “Dalagang Bukid” ni Jose Nepomuceno, na itinuturing bilang pinakaunang Filipino-produced at directed feature film.

Sa nationwide celebration na ito, nakipagtulungan ang FDCP sa ABS-CBN Network para sa coverage at broadcast ng event. ”We are truly grateful for everyone’s support and acknowledgement of Sine San­daan, including ABS-CBN who will broadcast the event to ensure that the Filipino audiences nationwide and worldwide will get the chance to witness this once-in-a-lifetime cele­bration,” sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño.

“We are looking forward to more stakeholders as supporting not just Sine Sandaan for the next year, but the whole of Philippine Cinema. This is the chance to bring everyone together as one film industry!” dagdag niya.

Susundan ang pagdiriwang para sa centennial year ng Philippine Cinema ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019, ang week-long exclusive screening ng Filipino genre films na magbubukas para sa selebrasyon ng Sandaan. Ang PPP 2019 awards night naman ay nakatakda sa 15 Setyembre sa One Esplanade, Pasay City.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …