Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto
Tito Sotto

Bitay sa 18th Congress puwedeng lumusot — Sotto

NANINIWALA si Senate President Vicente Tito Sotto III na posibleng makalusot sa 18th congress ang pag­buhay sa parusang bitay.

Nakikinita ito ni Sotto sa pagdomina ng mga kandidato ng adminis­trasyon at pangunguna sa partial and unofficial tally ng ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Sotto, kara­mihan sa mga nasa top 12 tulad ni dating Philippine National Police (PNP) chief at Bureau of Cor­rections (BuCor) Director Ronald “Bato” Dela Rosa ay sangayon sa death penalty ngunit para lamang sa mga heinous crime tulad ng illegal drug trade.

Ngunit sinabi ni Sotto, kapag ipinilit ang ilang krimen na ipaloob sa death penalty tiyak na maraming senador ang tututol dito.

Sa kabila nito sinabi ni Sotto, hindi prayoridad ng senado ang death penalty ngunit sakaling may maghain nito sa 18th Congress na posibleng si Senador Manny Pacquiao, kanila itong tatalakayin at malaki ang posibilidad na makalusot sa senado.

Kaugnay nito, iginiit ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi madidiktahan ng Malacañang ang susunod na komposisyon ng mga miyembro ng senado sa 18th Congress.

Ayon kay Sotto, maki­kita sa mga panayam sa ilang mga kaalyado ng administrasyon tulad ni Dela Rosa na hindi mag­papadikta sa Palasyo at aaksiyon base sa kanyang konsensiya.

Inihalimbawa ni Sotto ang kasalukuyang 17th Congress na nanatiling independent ang senado.

Aminado ang pangu­lo ng senado na sinusu­por­tahan nila si Pangu­long Rodrigo Duterte sa mga batas na sa palagay nila ay makabubuti para sa bayan.

Inamin ni Sotto, na­ka­usap niya si Pacquiao at sinabi sa kanya na nais nina Bato, dating SAP Bong Go, at Francis Tolen­tino, na ang 18th Congress ay manatili sa pamu­muno ni Sotto ang Senado.

nina CYNTHIA MARTIN/niño aclan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …