Friday , April 18 2025

State of calamity idineklara sa Oriental Mindoro

ISINAILALIM ng lokal na pama­halaan nitong Miyer­koles, 1 Enero na nasa ‘state of calamity’ ang Oriental Mindoro matapos kitilin ang buhay ng tatlong katao at mga alagang hayop at sirain ang mga pananim at mga kabahayan ng flash flood noong 30 Disyem­bre 2018.

Base sa naunang ulat mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (PDRRMC) ng Mindoro Oriental, sanhi ng malawakang pagbaha sa lalawigan ang pag-apaw ng mga ilog Panggalaan at Bucayao sa siyudad ng Calapan at ilog Malapad at Longos sa Baco.

Kabilang sa tatlong biktimang namatay sina Eden Rubion, 19, mula sa bayan ng Bansud; Rico Maestro, 59, mula sa bayan ng Baco; at Mark Hernan­dez, 13, mula sa lungsod ng Calapan.

Samantala, nauna nang idineklara ang state of calamity sa mga lalawigan ng Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte, at Albay sa pagkamatay nang higit 60 katao sa Bicol region dahil sa landslide at flash flood dulot ng bagyong Usman.

Mahigit P77 milyon ang tinatayang halaga ng nasa­lan­tangmga sakahan at palaisdaan ayon kay Gob. Alfonso Umali.

Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang pamaha­laang panlalawigan ng Oriental Mindoro sa mga bayan ng Baco, Naujan, Socorro, Pola, Pinama­layan, Bansud, Bongabong at lungsod ng Calapan.

Nakaranas din ng matinding pagbaha ang Puerto Galera sanhi ng malakas na pag-ulan sa huling tatlong araw.

Umabot nang P788 mil­yon ang halaga ng nasirang mga kalsada at impraes­truktura gaya ng ilang mga dike at flood control sa mga bayan ng Pina­malayan, Gloria, Victoria, Ban­sud, Naujan, at lungsod ng Calapan City.

Ayon kay Umali, nagla­bas na sila ng 250 kaban ng bigas bilang bahagi ng mga relief pack na ipi­na­mama­hagi sa mga apektadong pamilya.

Mamamahagi rin ang Depart­ment of Health (DOH) ng mga water-sanitizing reagents sa mga apekta­dong komunidad upang maiwasan ang pagtatae na dulot ng pag-inom ng konta­midong tubig.

Muli nang nakuwi sa kanilang mga bahay ang mga lumikas na residente nitong Miyerkoles ngunit ayon sa Gobernador, may mga lugar pa rin na hindi humu­hupa ang baha.

(KARLA LORENA G. OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *