Saturday , December 21 2024
BARMM
BARMM Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Cotabato City mayor idinawit sa malawakang diskuwalipikasyon ng pro-BOL voters (MILF leader Iqbal, Bangsamoro champion Bai Sandra Sema pinatatalsik)

ITINUTURO si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi na siya umanong may pakana sa malawakang diskuwalipikasyon nang mahigit 4,000 botanteng sumusuporta sa Bangsamoro Organic Law (BOL) upang walisin ang kanyang mga kalaban sa politika.

Sa isang mapangahas na hakbang, nagsampa ng petisyon ang mga kapitan ng barangay ng Cotabato City sa local na tanggapanng Commission on Elections (COMELEC) na humihiling alisin sa voters’ list ang libo-libong rehistradong botante, dahil hindi umano nakatira sa lungsod.

Ang petisyon ng barangay officials, na umano’y pinakilos ni Sayadi, ay humihingi sa diskuwalipikason maging ng mga kilalang lider sa Mindanao, kabilang na sina dating chairman ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) at ngayon ay chair ng MILF Implementing Panel Mohagher Iqbal, gayondin si Maguindanao at Cotabato City congresswoman at BOL champion Bai Sandra Sema.

Kahit umano matagal nang residente ng Cotabato City ang dalawang prominenteng lider, na nagkataong kapwa rin masigasig na nagsusulong ng BOL.

Ang pagkilos ng mga opisyal ng barangay ay pinaniniwalaang may kumpas ni Sayadi, na matagal nang humahadlang at tumutuligsa sa BOL at sa pagsama sa Cotabato City bilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Noong Hulyo, sinabi ni Mayor Sayadi sa isang panayam na makatatayong mag-isa ang Cotabato City kahit hindi mapabilang sa Bangsamoro.

Sinabi nito na mahigit 300,000 mamamayan ng lungsod ang umano’y tutol sa Bangsamoro kung gagawin ang plebisito ng mga oras na iyon.

Ito ay sa kabila ng malawakang suportang ipinakikita ng iba’t ibang grupo at ng mga mamamayan sa ratipikasyon ng BOL, may mga grupo pang nagsu­sulong ng “Zero No” vote sa ple­bisitong nakatakda sa 21 Enero.

Kinuwetisyon ng petisyon ang pagdagsa ng libo-libong bagong registrants sa Cotabato City ngu­nit lumitaw sa imbestigasyon na ito ay dahil sa nakatakdang plebisito para sa BOL sa Enero.

Nagpahayag ang mga residente ng Cotabato City na ito ang panahon upang sila ay magpa­rehistro at makaboto.

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *