Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iñigo Pascual Ken San Jose
Iñigo Pascual Ken San Jose

Ken San Jose at Iñigo, napag­kamalang kambal

MABUTI na lang at alam ng lahat na iisa lang ang anak ni Piolo Pascual, si Inigo, sa nanay nitong si Donnabelle Lazaro dahil sa nakaraang Cornerstone Music Grand Launch na ginanap sa Eastwood Central Plaza hatid ng Wish 107.5 ay kahawig ng binata ang isa sa ini-launch na kilalang dancer at social media influencer, si Kenneth o Ken San Jose.

Ang pagkakaiba lang ay Tisoy si Inigo at moreno naman si Ken pero sa pananalita, pagkanta, at pagsayaw ay para silang kambal.

Sabi nga ng supporters nilang dumayo ng Eastwood, parang magkapatid ang dalawa. Puwede rin naman, kasi iisa ang manager nila, si Erickson Raymundo.

Si Ken muna ang nagpakitang gilas sa pagsayaw at pagkanta ng awiting si Inigo mismo ang sumulat na Loose Control na malapit nang mapakinggan sa digital.

Ini-research namin si Ken dahil hindi namin siya kilala at iisa nga ang galaw nila ni Inigo dahil dancer din pala ang binatilyo na laking Amerika at isa siya sa dancer ng kilalang hip-hop dancer/choreographer na si Matt Steffanina mula Los Angeles California, USA.

Maganda ang boses ni Ken at marami silang videos ni AC Bonifacio ng cover songs at partner din sila sa dance floor.

Going back to Inigo ay nag-duet sila ni Ken ng awitin niyang Dahil Sa ‘Yo kaya hiyawan to the max ulit ang kani-kanilang supporters.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …