Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Duterte Antonio Trillanes US Embassy Manila
Rodrigo Duterte Antonio Trillanes US Embassy Manila

Duterte ‘closet US stooge’ (Palasyo tameme sa pakikialam ni Uncle Sam)

KUNG dati’y umuusok ang ilong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘pa­ki­kialam’ ni Uncle Sam sa Filipinas, tameme si­ya ngayon sa lantarang panghihimasok ng Ame­rika sa politika ng bansa.

Ipinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang pagdalaw ni Josh Morris, chief ng Internal Political Unit ng US Embassy, kay Senator Antonio Trillanes IV sa Senado kamakalawa.

“Yan naman po’y gawain talaga ng mga miyembro ng diplomatic delegation,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa pagda­law ni Morris kay Tril­lanes sa Senado.

Ang pagbisita ni Morris ay naganap isang linggo matapos ang meeting nina  Pangulong Duterte at US Ambas­sador to the Philippines Sung Kim sa Palasyo.

Gaya ni Trillanes, ayaw magsalita hinggil sa meeting nila ni Morris, tikom din ang bibig ni Pangulong Duterte sa huntahan nila ni Sung Kim.

Kinompirma ni Roque na pinulong ni Pangulong Duterte ang intelligence officials kamakalawa ng gabi sa Palasyo ngunit walang detalyeng ibini­gay sa media.

Kaugnay nito, kom­pi­yansa ang Palasyo na hindi mapatatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte .

“It’s not anything that the state cannot deal with; dream on to those who want to remove the President,” ani Roque.

Kamakailan ay isiniwalat ni Duterte na nakipagsabwatan si Trillanes sa mga dila­wan, maka-kaliwa at sa Magdalo  para patal­sikin siya sa puwesto.

“ Si Trillanes, he’s collaborating, sleeping with the enemy,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na ang intelligence report hinggil sa destabili­sa­s-yon laban sa kanyang administrasyon  ay ibi­nigay ng ibang bansa at ipupursigi ng kanyang mga kalaban sa susu­nod na buwan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …