Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Vice Ganda Gandang Gabi Vice GGV
Sharon Cuneta Vice Ganda Gandang Gabi Vice GGV

Sharon, nagmahal ng ‘di taga-showbiz

MAY mga nakarelasyon din pala si Sharon Cuneta na hindi taga- showbiz noong dalaga pa siya. Ang pagkakalam namin ay puro taga-showbiz ang naging boyfriends niya.

Sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, ini-reveal niya na may minahal nga rin siyang non-showbiz.

“Puppy love ko si Albert (Martinez). Pero hanggang phone lang kami noon. Kaya siya sana ‘yung gusto kong maging leading man sa ‘Dear Heart’ (launching movie ni Sharon). Eh, busy siya. Gumawa siya ng ‘Bata Pa si Sabel’ (launching movie ni Snooky Serna).

“Hanggang sa maging sila na ni Sabel,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Sharon.

Patuloy niya, ”Ang nagsumbong sa akin, ‘yung binilinan niya, ‘Pare pakialagaan lang habang wala ako,’ dahil nasa Ilocos kasi siya.

“Ang binilinan niya, si Gabby (Concepcion), ayun. Tapos, gumawa na kami ni Gabby ng ‘Dear Heart.’ Tapos ayun, naging kami, afterwards, nag-split kami, si Direk Rowell (Santiago, ang sumunod).

“Tapos, nagkabalikan kami ni Gabby, tapos, naghiwalay kami ulit. Tapos, mayroon pang hindi taga-showbiz. Tapos, si Richard (Gomez).

“Alam ninyo, nakakahiya namang isa-isahin,ano ba naman, tama ba ‘to? Alam ninyo na ‘yun, from Richard to Robin (Padilla), o, tama na! Hanggang doon na lang ako, kasi mayroon pang hindi taga-showbiz, bago ako nag-asawa,” ang natatawa ulit na sabi ni Sharon.

“’Yan ang sabi ni mommy, collect and collect, and then, select. Kasi, hindi mo makikilala ang tunay na ugali ng isang babae o lalaki, unless, maging boyfriend o girlfriend mo.”    

MA at PA
ni Rommel Placente


Daniel at Kathryn, ‘di pinabayaan ng fans
Daniel at Kathryn, ‘di pinabayaan ng fans
Nova, grateful sa Viva at N2 Productions
Nova, grateful sa Viva at N2 Productions
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …