Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marawi
Marawi

Digong hinimok makipagpulong sa NSC at LEDAC

HINIMOK ni House Majority Leader Rolando Andaya si Pangulong Rodrigo Duterte na tipu­nin ang National Security Council (NSC) at ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LE­DAC) para pag-usapan ang progreso ng Marawi rehabilitation program at ang Bangsa­moro Organic Law (BOL).

“I would suggest that Malacañang call a meeting of the National Security Council, or even LEDAC, para mapag-usapan ang progress ng Marawi re­habilitation and the im­plementation of the Bangsamoro Organic Law,” ani Andaya.

“Dapat malaman kung may problema sa funding,” ayon kay Andaya, “kaya dapat makonsulta ang mga taga-Mindanao.”

Aniya, mahalagang malaman ng Kamara kung ano ang pananaw ng Mindanao bloc.

Ayon sa isang nego­syanteng taga-Marawi, napakabagal ng rehabili­ta­tion sa lungsod.

Wala pa, kahit isang pag-aari niya ang naita­yong muli ng gobyerno.

Ang Marawi at ibang parte ng Mindanao ay nasa ilalim ng Martial Law mula nang sumiklab ang hidwaan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng Maute group.

Sa pagdinig ng bud­get ng Office of the Pre­sident noong Miyerkoles, nagpahiwatig si Execu­tive Secretary Salvador Medialdea na balak ng pangulo na palawigin muli ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapa­gal-Arroyo, suportado niya ito matapos ang pagbomba sa Sultan Kudarat noong Martes.

Ayon kay Arroyo, bilang isang dating presidente, alam niya kung ano ang kailangan ng bansa para tugonan ang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao.

Aniya, susuportahan niya ang pagpalawig sa Martial Law kung gugus­tuhin ng pangulo.

Sangayon si Andaya dito. Aniya, ang pagde­deklara ng Martial Law ay diskresyon ng Ehekutibo.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …