Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte nasa kama ‘di na-coma — Palasyo

READ: ChaCha patay na — Pichay

NASA kama at hindi na-coma si Pangulong Rodri­go Duterte.

Ito ang tugon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) found­ing chairman Joma Sison na comatose si Pangulong Duterte mula noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Go, nagpa­pahinga lang at hanggang alas-dos ng madaling-araw kahapon ay kausap pa niya ang Pangulo ka­ya  maaaring nanaginip lang ang self-exiled com­munist leader.

“Nasa kama lang nag-rest, kausap ko pa 2:00 am kaninang madaling-araw si PRRD. Baka nana­ginip lang si Joma then napalitan lang ni Joma ng letter C ang pangalan niya. Siya pala ‘yun,” text message ni Go sa mga mamamahayag sa Pala­s-yo kahapon ng umaga.

Sa kanyang panig, sinabi  ni Presidential Spokesman Harry Roque na malusog ang Pangulo at sa katunayan ay naka­takdang humarap sa publiko ngayon para sa okasyon ng League of Cities  sa Cebu.

Pagbibigay diin ni Roque, isang rebolusyo­naryo si Sison at hindi isang doktor. “I don’t see any reason why people — I don’t even understand why Joma Sison said he was in coma ‘no. He is in faraway Netherlands, how would he know?” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …