Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ChaCha patay na — Pichay

READ: Duterte nasa kama ‘di na-coma — Palasyo

PATAY na ang Charter change.

Ayon kay Deputy Speaker Prospero Pichay ang pag-amyenda sa 1987 Constitution ay hindi mangyayari kung ayaw ito ng Senado.

Ani Pichay, sa isang news conference, wala nang panahon mag-am­yenda ng Saligang Batas kung ayaw naman ng mga senador.

Nauna nang sinabi ni Speaker Gloria Arroyo na wala nang panahon para mag-amyemda ng Sali­gang Batas bago mag-eleksi­yon sa 2019.

Kinakailangan pa ani­ya ng Kongreso na mabuo ang draft federal consti­tution na dapat iratipika ng mga botante sa isang referendum.

Nanawagan si Pichay sa mga senador na ma­ging bukas ang kaisipan para pag-usapan ang chacha.

Dapat aniya mag-isip naman ang mga senador kung ano ang ikabubuti ng bayan.

Si Arroyo ay nagsu­mite ng  House Resolution 2056 para magsama ang Kamara at ang Senado sa isang  Constituent As­sembly para amyendahan ang 1987 constitution at buuin ang federal govern­ment.

Nakasaad sa resolu­syon ni Arroyo na ang botohan ng Senado at Kamara ay magkahi­wa­lay.

Ang resolusyon ni Ar­royo ay hindi pa naaproba ng Kamara mula nang kuwestiyonin ni dating Majority Leader Rodolfo Fariñas sa argumentong ang 292 miyembro ng Kamara ay hindi puwe­deng i-hostage ng 24 senador.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …