READ: KathNiel movie, ie-exhibit sa iba’t ibang bansa
EWAN, pero para sa amin hindi malaking issue iyong reklamo ni Dingdong Dantes doon sa Ang Probinsiyano. Siguro naman iyang ABS-CBN, para matapos na lang ang usapan, humingi ng dispensa.
Maski noong araw naman, sa mga pelikula ganoon. May kailangang props na litrato, gumagawa talaga sila ng picture. Halimbawa kasal, huwag ninyong sabihing gagastos pa sila sa pictorial at damit na pang-kasal eh picture lang naman iyong bahagi ng props. Iyong propsman talagang gagawa na lang ng paraan. Ayun nga, papalitan na lang ang mukha. Sabihin ng propsman sa EP na kailangan niya ng pictorial at costume rental para sa props lang kung hindi siya dagukan ng EP, at iyong artista papayag bang mag-pictorial pa para sa props?
Kaya nga lang naging issue at napansin dahil napakataas ng ratings niyang Probinsyano. Isipin ninyo, iyong fans pala nina Dingdong talagang nanonood din ng Probinsiyano kaya napansin nila iyon eh. Para mapansin mo iyong props lamang, aba eh talagang attentive ka sa panonood at wala kang detalyeng pinaliligtas.
Ibig sabihin niyan, talagang matindi ang nanonood ng Probinsiyano, at pati fans ng ibang mga artista ay talagang nakatutok sa panonood ng serye nila. Dahil diyan naniniwala kaming napakataas nga ng ratings ng Probinsiyano.
HATAWAN
ni Ed de Leon