Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rigodon sa Kamara kinopo ng GMA allies

ALIADOS ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ngayon ay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang ipinuwesto sa magagandang puwesto sa Kamara.

Sa mosyon ni House Majority Leader at Cama­rines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., itinalaga si Surigao del Sur Rep. Rolando Andaya Jr. at Bohol Rep. Arthur Yap bilang deputy speakers, kapalit ni Marikina City Rep. Miro Quimbo at Cebu Rep. Gwen Garcia na sumuporta sa nasibak na si Speaker Pantaleon Alvarez.

Si Quimbo naman ay nag-abstain sa pagboto.

Kagaya ni Andaya, si Pichay at Yap ay pina­nini­walang nagkaroon ng malaking tungkulin sa pagluluklok kay Arroyo sa pagka-speaker.

Si Quimbo, tinanggal man sa pagka-deputy speaker, ay binigyan ng ibang puwesto sa House committee on ways and means. Siya ang tuma­tayong lider ng People’s Minority, isa sa mga grupo ng minorya sa Ka­mara.

Si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, isa sa mga pinakamatinding kaalyado ni Alvarez, ay pinalitan ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romual­do, bilang pinuno ng House committee on good government and public accountability.

Si Cavite Rep. Jennifer “Jenny” Barzaga ay ibi­noto bilang vice chair­person ng House commit­tee on accounts.

Si North Cotabato Rep. Jose Tejada naman bilang vice chairman ng House committee on appropriations na pina­mumunuan ni Davao City Rep. Karlo Nograles.

Kasama rin sa komite ni Nograles sina Manda­luyong City Rep. Ale­xandria Gonzales, Abra Rep. JV Bernos, at San Jose Del Monte City Rep. Rida Robles.

Pinagbotohan din sa plenaryo sina Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon bilang miyembro ng House committee on basic education at si Masbate Rep. Scott Davies Lanete na napunta sa Commis­sion on Appointments.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Im Perfect

Sylvia Sanchez, napa-mura ng ‘PI’ nang nakita ang teaser ng MMFF entry na “I’mPerfect”

TIYAK na babaha ng luha sa mga sinehan sa December 25 sa mga manonood ng …

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …