Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, bukod-tanging ‘di bina-bash ng AlDub fans

READ: Paglinis ni De Lima sa kanyang pangalan, kaabang-abang

PINAGLALARUAN ngayon ang festival tandem nina Coco Martin at Maine Mendoza.

Kung paghahaluin kasi ang kanilang mga pangalan ay “Cocaine” ang lalabas. Siyempre, all for the sake of their MMFF entry lang naman ito kasama si Vic Sotto.

Nakapagtataka lang—na ewan kung dala na rin ng kanyang kasikatan—kung bakit hindi bina-bash si Coco ng AlDub fans na hanggang ngayo’y ipinipilit pa rin ang tambalang Alden Richards at Maine gayong gone are its glory days.

Hindi ng ba’t huwag lang ma-link lang noon si Maine kay Sef Cadayona o kay Juancho Trevino ay naghuhuramentado na ang buong AlDub nation?

Ni alinman doon ay hindi naman napatunayang umabot sa seryosong relasyon.

Pero iba yata kapag ang ipina-partner as in the case of Maine ay isang sikat na aktor tulad ni Coco. Para na rin sinabing mga “lesser minions” lang sina Sef at Juancho (which is true nman).

Hindi ma-bash-bash si Coco for the simple reason that he’s a much bigger star than Maine. Sumikat man si Coco’y hindi ‘yon maaaring ihalintulad sa phenomenal fame ni Maine.

Bago naman kasi narating ni Coco ang kanyang kinalalagyan ay ‘di birong struggles ang pinagdaanan niya, bagay na hinding-hindi maaaring sabihin tungkol kay Maine.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …