Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ana Capri Iza Calzado Baby Go Louie Ignacio Allen Dizon National Commission for Culture and the Arts NCCA
Ana Capri Iza Calzado Baby Go Louie Ignacio Allen Dizon National Commission for Culture and the Arts NCCA

Ana Capri, kinilala ang naitulong ni Ms. Baby Go sa kanyang career

LABIS ang pasasalamat ng award winning actress na si Ana Capri sa lady boss ng BG productions na si Ms. Baby Go. Dahil kasi sa pelikulang Laut, humataw muli ang career ni Ana. Bukod pa ito sa kaliwa’t kanang acting awards na natanggap niya sa naturang pelikula na pinagbidahan ni Barbie Forteza at pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio.

“I feel very blessed to be a part of such a beautiful project na Laut and to be under Baby Go’s BG Productions and her team…To direk Louie Ignacio for trusting me, playing roles on his films. Sobrang thankful ako sa kanila at sa lahat ng tumutulong sa aking career like Dennis Evangelista, kasama ka na kuya at sa lahat ng press.

Sobrang thankful po talaga ako sa kanilang lahat, lalo na kay God, my family at sa lahat ng award giving bodies that’s giving me the opportunity to be recognized,” saad ni Ana.

Ang next project ni Ana sa BG Productions ay Almost A Love Story  tampok sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. “Tuwang-tuwa po ako na tinupad ni Ms. Baby ang promise niya sa akin. Another blessing ito, lalo’t kasama pa si Direk Louie sa project at nandoon si Barbie na kasama ko rin sa movie na Laut. Parang wow, the power team! Alam mo naman Kuya na diyan ako sa Laut nanalo ng ilang Best Supporting Actress award, e. And siyempre, nandiyan din si Derrick (Monasterio) kaya sobrang happy ko.

“I’m so happy na ikino-consider nila ako sa mga project nila, tapos ay sa Italy pa kami nag-shooting nito,” masayang saad ni Ana.

Incidentally, isa si Ana sa awardee sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na ipinagkakaloob sa mga Filipino artist na nagbigay ng karangalan sa bansa dahil sa pagkapanalo sa mga International film festival. Nagpasalamat si Ana sa bagong blessings na ito na kabilang din sa awardee sina Ms. Baby, Direk Louie, Allen Dizon, Angellie Nicholle Sanoy, at iba pa.

“Thankful ako sa pagkilala ng NCCA and also thankful for all the projects na dumating at paparating, I’m part of the new soap sa ABS CBN din po. Plus, ngayon ay nag-start na rin akong mag-taping ng Diary of 30 Something with Alessandra de Rossi, Assunta de Rossi, Karen de Los Reyes, Carla Humpries, and Meg Imperial, with Ricci Chan, Ivan Padilla, at iba pa. This is directed by Ms. Ice Idanan. Ito’y para sa Sari-Sari Channel ng Cignal TV and will be aired sa March 23 na,” wika ni Ana.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …