Thursday , December 9 2021
Baby Go Ai Ai delas Alas
Baby Go Ai Ai delas Alas

Baby Go, proud sa pelikulang School Service

IPINAHAYAG ng lady boss ng BG Productions na si Baby Go ang kagalakan dahil nakapasok ang pelikula niyang School Service sa prestihiyosong 34th Warsaw Film Festival ngayong taon.

Ang Warsaw International Filmfest ay isang A-list filmfest na ka-liga ng Cannes, Berlinale at Venice.

Ang School Service ang nagpanalo kay Ai Ai delas Alas ng Best Actress sa nakaraang Cinemalaya.

“Maganda ang movie at may katuturan talaga. Magaling dito si Ai Ai at siyempre si Direk Louie. Pati na iyong ibang casts na kahit mga bata pa, ang huhusay nila,” masayang saad ni Ms. Baby.

Dagdag niya, “Pupunta si Direk Louie sa filmfest na iyon, hindi ako makapunta dahil sa rami ng dapat kong asikasohing business dito sa atin. Naka­bibilib talaga ang movie namin na iyan, tapos sa Cinemalaya, ngayon ay kasali naman ito sa 2018 Warsaw international filmfest.

“Kaya I’m so happy, biruin mo nakapag-produce na ako ng maraming movies at karamihan award-winning films pa.”

Posibleng ang next movie ni Ms. Baby na ipalalabas ay Latay ni Direk Ralston Jover na tinatampukan nina  Allen Dizon, Lovi Poe at Mariel de Leon.

Samantala, kaliwa’t kanang parangal ang tatanggapin ni Ms. Baby tulad ng Global Inspiring Movie Producer award sa December 16 sa Japan mula sa 6th Global Golden Hearts Award. Bibigyan din siya ng parangal bilang Young Pro­ducer Lifetime Award sa Inter­national Film Festival Manhattan, New York, at sa 6th Annual Hiyas award.

Kaya ayon sa lady film producer, mas lalo siyang gana­do ngayong gumawa ng mga makabuluhang pelikula, para na rin makatulong sa movie industry at sa mga tao sa likod nito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Rayantha Leigh, pararangalan sa Japan
Rayantha Leigh, pararangalan sa Japan

About Nonie Nicasio

Check Also

Paolo Valenciano Samantha Godinez

Paggawa ng bagong baby nina Paolo at Samantha naunsiyami

HARD TALKni Pilar Mateo  “T HE whole 2020 was a blur!  Nangyari ba talaga ito?” ang nasabi ng …

Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, pinarangalan bilang Outstanding Youth Leader of the Year

ALAM MO NA!ni Nonie V. Nicasio PINARANGALAN kamakailan sa 3rd Laguna Excellence Award si Angelo Carreon Mamay, bilang …

Blind Item, excited man

Aktor kinababaliwan, pero ‘di maitago ang pagiging Reyna ng Malate

HATAWANni Ed de Leon NAGSISIKAP si male star na itago ang tunay niyang pagkatao, kasi sa panahon nga …

Yorme manalo-matalo win-win ang industriya

HATAWANni Ed de Leon MAGANDA iyong sinabi ni Yorme Isko Moreno, na kung siya raw ay hindi mananalong …

Vilma Santos

Ate Vi tututukan ang pagpo-produce, industriya ibabangon

HATAWANni Ed de Leon DESIDIDO si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) na magbalik na nga sa showbusiness. Babalikan niya …

Leave a Reply