Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, pinagselosan si Bela 

TINUTUKSO-TUKSO sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa nakaraang Celebrity Screening ng Meet Me In St. Gallen na ginanap sa Trinoma Cinema 7 nitong Martes ng gabi kasi naman may special participation pala ang aktres sa pelikula.

Siya pala ang girlfriend ni Carlo bilang si Jesse kaya hindi sila nagkatuluyan ni Bela Padilla as Celeste sa ikalawang beses nilang pagkikita kahit na may nangyari na sa kanila.

Sa eksenang ipinakita si Angelica ay litrato nila ni Carlo na tinitingnan-tingnan ni Bela sa Facebook account ng binata kaya alam niyang imposibleng maging sila. Pero nagbakasakali pa rin dahil pinayagan nitong may mangyari sa kanila kinagabihan.

Bigla tuloy naming naisip na baka kaya nabuhay ang nakaraan nina Carlo at Angelica ay dahil kasama siya sa Meet Me In St. Gallen.

At habang papasok kami ng Trinoma Mall noong gabi ay inabutan namin sina Carlo at Angelica kasama ang mga kaibigan na nagkukuwentuhan muna sa parking lot.

Nakatutuwa dahil may kilig pa rin sina Carlo at Angelica maski na matagal silang hindi nakitang magkasama. Ano nga kaya ang kahihinatnan ng sitwasyon nilang dalawa na parehong single?

Samantala, sina Carlo at Angelica rin ang magkasama pagkatapos ng screening at binati rin ng aktres ang aktor ng, “Maganda, magaling kang makipaglandian doon sa pelikula.”

At pagpunta nina Carlo at Angelica sa parking ay nagbiro si ‘Gel, “ni minsan hindi ako nakatanggap (bulaklak) baket? Ang sakit! Bakit siya (Bela) mayroon (sabay pakita kay Bela na natatawa).”

Di ba Ateng Maricris, half-meant ang biro? Hindi nga kaya nagpaparamdam na ang aktres sa rati niyang boyfriend?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …