BILIB ang veteran actress na si Gloria Sevilla sa mga naglalabasang indie films ngayon. Karamihan daw kasi ng mga pelikulang ito ay magaganda at may katuturan.
“Ang indie films ngayon ay magaganda, lalo na ‘yung mga bagong sibol na director na magagaling talaga. At saka they make movies na may istorya na kinakailangan talaga natin nga-yon para sa industriya. Mas gusto ko ang indie films, bukod sa magaganda ang istorya, madaling matapos ang shooting.
“In fact, marami kaming na-review na indie films sa MTRCB, magaganda. Actually, karamihan sa na-review naming indie films ay magaganda talaga,” aniya.
Si Ms. Gloria ay isa sa bagong appoint na member ng MTRCB.
Bilang isang beteranang aktres na higit 60 years na sa mundo ng showbiz, ano ang masa-sabi niya sa lagay ng movie industry ngayon? “Ang movie industry natin, basta tulungan ng gobyerno, lalago ito. Kailangan lang ng tulong ng gobyerno, kagaya ng taxes at bigyan ng playdate ang mga indie films. Ang mga producer, bigyan din sana ng insurance ang mga artista, at iba pang tulong…
“Kasi kontrolado ng mga businessmen na Chinese (ang mga sinehan), kaya para bang hindi nila binibigyan ng pagpa-pahalaga ang indie films. It should not be that way. Kaila-ngan ay tulungan natin ang ating local movie industry. Paano lalago kung hindi natin bibigyan ng playdates, hindi natin bibigyan ng halaga ang magagandang indie films?
“Unfair naman, paano iyan? It should be na sana mai-limit natin ang coming-in of foreign films, para mabigyan ng playdates ang indie films, ang local movie industry. Kasi as of now, hindi nila binibigyan e. Ang daming maga-gandang mga pelikulang gawa ng mga bagong director at mga bagong atista, na magagaling din,” esplika ng tinaguriang Queen of Visayan Movies.
Si Ms. Gloria ay isa sa mapapanood sa pelikulang New Generation Heroes ng Golden Tiger Films. Mula sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez, pinagbibidahan ito nina Aiko Melendez, Ms. Anita Linda, Jao Mapa, at ng model/fashion and jewelry designer na si Joyce Peñas.
Ito’y ukol sa apat na klase ng guro na may kanya-kanyang kuwento. Sina Salvacion Fajardo, Gener, Lolita at Cora, ang apat na indibidwal na humaharap sa iba’t ibang pagsu-bok at pakikibaka sa buhay.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio