Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo, bumigay na kay Shaina

SOBRA ang pagsisisi ni JC de Vera bilang si Rafael nang pagbuhatan niya ng kamay ang asawang si Camille (Shaina Magdayao) sa seryeng The Better Half dahil sa napanood nitong video na tila hinahalikan ng huli ang naunang asawang si Marco (Carlo Aquino) na ang totoo ay hinagkan lang bilang pasasalamat kasi ipinauubaya na niya ang asawa sa una.

Bumigay na si Marco (Carlo) sa pagmamahal niya para kay Camille (Shaina) na patuloy pa rin silang haharap sa mga pagsubok dahil susulsulan ni Denise Laurel (Bianca) si Rafael (JC) na kinakaliwa siya ng asawa.

Pero matapos matanggap ang kanyang pagkakamali, hindi titigil si Rafael para suyuin si Camille at gagawin ang lahat upang manumbalik ang saya ng kanilang pagsasama.

Samantala, muling gagawa ng mga hakbang si Bianca (Denise) at gagamitin ang kanyang impluwensiya para tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nina Camille at Marco at masiguro ang pagbawi niya sa pinakamamahal niyang asawa.

Maayos pa kaya nina Rafael at Camille ang kanilang pagsasama? Magtagumpay naman kaya si Bianca sa kanyang mga plano? Panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half, pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …