Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heaven Peralejo, thankful kay Ogie Diaz, sa Star Magic, at sa kanyang Heavenly Angels fans club

FIRST time na nag-perform ni Heaven Peralejo sa Araneta Coliseum last Sunday para sa selebrasyon ng 25th year anniversary ng Star Magic sa ASAP. Ayon sa magandang young actress, kinabahan siya noong simula pero habang naghihintay daw siya ng kanilang production number ay na-excite siya at ginanahan.

“First time ko po mag-perform sa Ara-neta at makapunta sa Araneta hahaha! Nag-rehearse po kami a day before and puro kaba lang naramdaman ko dahil siyempre, hindi ko naman talaga forte ang dancing at more into singing po ako. Pero kanina habang nasa backstage kami waiting for our turn to dance, super excited naman ako. Tipong gusto ko nang sumayaw hahaha!

“Siguro dahil sa mga taong pumunta sa loob ng Araneta para suportahan ako. Sa kanila po ako kumuha ng lakas eh and knowing na mom and my family are watching, mas ganado ako,” saad ni Heaven.

Pinasalamatan din ni Heaven ang manager niyang si Ogie Diaz, ang Star Magic, at ang kanyang very supportive na fans.

“Yes po! Kaya thankful ako kay Lord, sa Star Magic family at kay Tito Ogie Diaz. Sabi ko nga sa sarili ko habang nasa backstage kami, ‘Next time hindi na lang ako pang opening at closing lang, pati pang gitna na rin ako!’ hahaha! Hindi naman masamang mangarap di po ba?” Nakatawang wika pa niya.

“So gagalingan ko lalo po talaga to the max! Hahaha!

“Siyempre po sa aking fans, unang-una sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa aking Hea-venly Angels sa pagpunta at pagdala ng mga banners, LED lights at tarpaulin. Grabe kayo ha! Nagulat talaga ako roon at dahil naman doon, nakita ko sila agad! Sila naman ang naging source of strength ko nung sumayaw ako sa stage. Kaya I’’m so grateful to have them and call them my family,” wika pa ng dating PBB Housemate.

Ngayon, si Heaven ay bahagi ng casts ng pelikulang Bes, May Nanalo Na (Ginalingan eh!) na pinamamahalaaan ni Direk Joel Lamangan. Ang naturang pelikula ay tinatampukan nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzales, at Ai-Ai Delas Alas. Ito ay mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng Cineko Productions Incorporated. Kasali rin siy Heaven sa Wansapanataym ng ABS CBN na pinagbibidahan ni Julia Montes at parami nang parami ang  endorsements na nakukuha ng magandang Kapamilya aktres.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …