Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela nakapagtatrabaho pa rin kahit kasama ang dating BF

KAHANGA-HANGA ang ipinakitang propesyonalismo sa pagtatrabaho ni Bela Padilla. Paano’y hindi nito ipinakita na naaapektuhan ang shooting ng Luck at First Sight na isa siya sa bida kasama si Jericho Rosales at idinirehe ni Dan Villegas kahit ang N2 Productions (kasama ang Viva Films) ni Neil Arce ang isa sa prodyuser.

Nasabi namin ito dahil fresh pa ang break-up nina Bela at Neil mula sa apat na taong relasyon pero parang wala lang at pareho silang nakakapagtrabaho na magkasama.

Bagamat very open si Bela sa pagpapa-interbyu ukol sa hiwalayan nila ni Neil, mailap naman ang huli at inirarasong may sore throat siya sa ilang beses naming pag-approach na mainterbyu siya.

Ayon kay Bela nang kumustahin namin siya, walang ilangan sa kanila ni Neil.

“Suwerte ako na matured kami na… at saka story ko ’to, eh, so gusto kong gawin siya ng maayos. Nag-usap naman kami and actually, tinanong niya ako, eh kung gusto ko na wala siya rito (sa shooting) kasi nga baka nga magkailangan.

“Sabi ko, ‘ako, wala sa akin.’ Siya rin naman, wala rin,” kuwento ni Bela na sinabi pang hindi pa nagsi-sink in ang ginawa nilang hiwalayan ni Neil.

Siguro’y dahil ayon pa kay Bela, hindi bad break up ang nangyari sa kanilang dalawa. ”Nag-usap kami ng maayos. Ang tagal-tagal naming nag-usap. Tapos, after naming mag-usap, kumain pa kami. So, talagang okay pa.”

Mahigit isang buwan pa lang hiwalay ang dalawa at hindi naman din  masasabing nakapag-move-on na si Bela dahil apat na taon din ang kanilang relasyon.

“Nasa state ako ngayon na okey pa ako dahil siguro, ang daming trabaho, hindi ko pa siya naiisip.”

At dahil tila hindi apektado si Bela, may mga usap-usapang baka gimik ang hiwalayan nila ni Neil.

”Grabe naman sa gimik, gimik na lang tayo sa labas,” natatawang sagot pa ng dalaga. “Hindi ko po alam, eh. Ginagawa pa ba ng mga tao ’yan ngayon?” Sabay sabing hindi siya interesado na pag-usapan siya o ang kanilang relasyon kaya imposibleng gumimik siya.

Iginiit din ni Bela na hindi third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan. ”Wala namang reason, eh. Siguro, nag-iba na lang kami ng direksiyon ng life namin,”anito at sabay sabing, ”I always love Neil, especially as a friend.”

Sa kabilang banda, first time magkatrabaho nina Bela at Echo na ang una pala ang nag-suggest sa aktor para maging leading man.Gustong-gusto kasi ni Bela ang work ethics ni Echo gayundin ang pagiging perfectionist at professional nito.

Ang Luck at First Sight ay konsepto ni Bela na ukol sa dalawang tao na kinakasihan ng suwerte kapag magkasama.

“Dapat physical touch, everytime na naghahawak sila or nagkakabanggaan, sinusuwerte silang dalawa. So, rom-com siya with a twist,” sambit pa ni Bela.

Sa March na ipalalabas ang Luck at First Sight mula Viva Films at N2 Productions.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …