MATATANDAANG binigyan ng Legislative Immunity si Ronnie Dayan, former driver-bodyguard ni Sen. Leila De Lima. Kapalit ng pagbubunyag niya ng mga katotohanan. Pero noong Lunes, siya ay cited for contempt ng Senado dahil sa pagtangging sumagot sa ilang katanungan ng mga Senator at pabago-bagong statements nito.
Gaya na lang ng sinabi niya na nagkita sila ni Kerwin Espinosa nang limang beses pero ayon naman kay Espinosa ay apat na beses lang sila nagkita ni Dayan.
PRESDU30 WALA RAW
DAPAT IPALIWANAG
Hindi na raw dapat ipaliwanag ni PRESDU30 kung bakit inorder niya kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na i-reinstate si Supt. Marvin Marcos bilang head ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) sa Eastern Visayas, kahit idinawit ng suspected drug Lord na si Kerwin Espinosa sa illegal drug trade.
Aniya, “As the head of the government and as the Chief Executive, the police is under me. So the PNP Chief is under my supervision and control.”
Dagdag niya, “there is no such thing as protocol when there is absolute supervision and control, I can modify and mend, revoke any order in this Executive Department.”
SUPREME COURT ON REVILLA
Pagdedesisyonan ng Supreme Court (SC) ang pagpapiyansa ni Sen. Bong Revilla. Ito ay isang pangako ni PRESDU30 sa Bacoor City, na ang kanilang dating governor ay mare-release sa pamamagitan ng bail.
Sinabi niya ito noong nangangampanya, kapag siya ay maging pangulo.
Ang kaso ni Revilla ay Plunder, a non-bailable offense. Pagpupulungan ng SC ang petition for bail ni Revilla. Matatandaang dalawang beses na nire-reject ng Sandiganbayan anti-graft court ang petition for bail ng Senador.
GMA, GUSTO LUMABAN
Inamin ni former President Gloria Macapagal Arroyo na sumagi sa isip niya na mag-file ng kaso laban sa taong naging responsable sa kaniyang naging Plunder case, na humantong sa kaniyang apat na taong hospital arrest. Sinabi rin ng dating Pangulo na kung siya ay magsasampa ng kaso, isang tao lamang ang sasampahan niya ng kaso. Hindi naman niya binanggit kung sino ang nasabing tao.
Sa ngayon, hindi pa niya nadi-discuss sa kaniyang lawyers kung dapat ba niyang ituloy ang pagsasampa ng kaso.
MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego